Ang sabi ni Alexa Ilacad tungkol sa real score nila ni KD Estrada: “Getting there…On the way.”
On the way where? Sana nga mabigyan din sila ng chance patunayan ang lakas nila sa mga audience.
Mukhang ang ka-level nila ay ‘yung kina Francine Diaz and Seth Fedelin na may launching movie na rin.
Sino kaya sa dalawang loveteam na ito ang mas may following? Siguro, mas makakaungos ‘yung mas nagpapakatotoo. What do you think?
BarDa, may patutunayan
Make it or break it sa BarDa kung may paying fans nga ba sila o pang-TV lang ang loveteam nila via That Kind Of Love. Papatok kaya?
Kahit gaano kasi kalakas ang paghiyaw ng fans o kahit mataas pa ang rating sa free TV, ang sukatan ay, gagastos ba ang mga tao para panoorin sila?
‘Yan din ang magiging batayan ng mga product endorsements kasi.
Sige nga, BarDa, patunayan niyo ang lakas niyo! Maghi-hit kaya ang That Kind Of Love? Sana! Para sa ating industriya.
Isko, babalik sa pagmi-mayor
Tikom pa ang bibig ni Isko Moreno ukol sa susunod niyang politikal move. Kahit na nasa Top 5 siya sa mga survey from senators, ito ang sabi niya, “Hindi ko lang siya masyadong inintindi ngayon dahil I continue to fulfill my obligation as an artist of GMA 7 under Sparkle.”
Ang tanong, gaano katotoo na instead of running for senator, balik-Mayor daw si YorMe sa Manila sa darating na eleksyon?
Tingnan natin na filing sa October kung gaano ka-reliable ang balitang ito. If ever, paano na si Dr. Honey Lacuna kaya?
Resulta ng EDDYS, inaabangan
All roads lead to the Marriott Ballroom para sa Eddys Awards ngayong Linggo! Magkakapareho kaya sila ng choices ng FAMAS?
Abangan! Tapos may kasabay pa pala itong 60th Anniversary ng Binibining Pilipinas.
Nakakataquote:
“Nailuwal nating lahat ang baby mo because of your infectious creative energy and childlike enthusiasm. Ang saya lang gumawa ng pelikula with you, despite any struggle.”
- Film producer Iris Lee to boyfriend Xian Lim