^

PSN Showbiz

‘I have moved on and I am happy’ – Bea

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
�I have moved on and I am happy� � Bea
Bea Alonzo
STAR/File

MANILA, Philippines — Cover ng July issue ng Tatler Philippines si Bea Alonzo at sa interview sa kanya, na-share ang coping mechanisms niya na dala ng ingay sa breakup nila ni Dominic Roque. May binanggit pa itong “filtering out negativity” and prioritizing what truly enriches her life.

Sabi pa ni Bea, “the decision to end the engagement was mutual and resists assigning blame.” Nabanggit din nito ang societal tendency na ang babae ang nakikitang may kasalanan tuwing may nagbi-break.

May sinabi siya sa interview sa kanya na “It was such a journey... but I have moved on and I am happy.”

Agree rito ang fans niya dahil wala raw makikitang lungkot sa kanya, maaliwalas ang mukha kahit ang breakup nila ang pinag-uusapan. Gaya na lamang sa interview sa kanya ni Nelson Canlas.

First time niya mag-cover sa Tatler Philippines at ang lalong nagpa-special sa cover niya ay two-cover edition ito. Kung gusto ng fans na may kopya sila ng two covers, bilhin nila pareho ang magasin.

Samantala, puro positive comments ang nababasa naming feedback sa acting niya sa Widows’ War. Masaya ang kanyang fans na makita siya in her best element at ipinakikita na mahusay siyang aktres. Pareho silang mahusay ni Carla Abellana, kaya laging inaabangan ang kanilang mga eksena.

Xian, sinagot ng jowa ang pagluwal sa baby!

May sagot si Iris Lee sa pagpi-flex sa kanya ng boyfriend niyang si Xian Lim dahil sa dedication at hard work na ginawa raw ni Iris sa shooting ng Kuman Thong. Tinawag pa nga siya ni Xian na “Talented, overly passionate human being.”

Sagot nito kay Xian, “Thank you! Congratulations again to us, the actors, and the whole team. Nailuwal nating lahat ang baby mo because of your infectious creative energy and childlike enthusiasm. Ang saya lang gumawa ng pelikula with you, despite any struggle. You are a true leader and artist. Keep on shining Direk @xianlim! To more magic together.”

Sigurado namang muling bibigyan ng Viva Films ng film project si Xian at si Iris uli ang kanyang producer. Puwede uli silang mag-collab sa pagsulat ng story at script gaya ng ginawa nila sa Kuman Thong

Birthday ni Xian sa July 12, siguradong special ang magiging celebration nilang dalawa dahil first birthday niya na si Iris ang kapiling. Hihintayin namin kung paano batiin nito si Xian.

Jake, pinaglaruan si Dennis!

Pinaglaruan ni Jake Ejercito ang controversial TikTok ni Dennis Trillo na nagtatanong kung “May ABS pa ba?” Nag-post ito ng photo niyang nagwu-workout siya at kita ang kanyang abs.

Sinagot ni Jake ng “Me” ang tanong ni Dennis at ipinakita nga ang kanyang abs. May mga natuwa sa ginawa ni Jake at may mga tumawag din sa kanya na sumakay sa isyu at tinawag pa siyang “affected much.”

May tinawanan ang reaction niya at may mga sagot na galit pa rin kay Dennis at hindi matapus-tapos ang pamba-bash sa kanya. Sabi ng Kapuso fans, siguradong may mga Kapamilya stars na magre-react pa sa isyu, kaya matagal pa itong matatapos.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with