^

PSN Showbiz

Anak nina Claudine at Raymart, mala-Korean idol ang awra

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak nina Claudine at Raymart, mala-Korean idol ang awra
Claudine, Sabina at Santino

Muling nagkita ang dating mag-asawa na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa 20th birthday ng anak nilang si Sabina.

Makikita ang mga litrato at videos nila pero hindi magkasama ang mag-asawa sa mga family photo nila.

Mukhang naiintindihan na rin naman ng mga anak nila ang kanilang sitwasyon at siguradong masaya ang mga ito na present ang aktor sa kaarawan ng panganay nila.

Pero isa sa napansin ng netizens ay ang napakagwa­pong anak nina Claudine at Raymart na si Santino.

Perfect daw ang face nito na mala-Korean matinee idol ang hitsura.

Magkahalong dugong Santiago at Barretto raw ito na sa mommy niya nakuha ang kutis nito na mestizo.

Kinumpara pa ito ng netizen sa isang bampira dahil sa kaguwapuhan nito.

Sayang at mukhang malabo pa nga lang nitong pasukin ang showbiz dahil parang mahiyain ito at hindi basta-basta nagpapakuha ng litrato. At kung sakaling pasukin nito ang showbiz, ngayon pa lang ay marami na itong fans.

Pero isa rin sa napansin ng mga tagahanga ay mas gumanda raw si Claudine ngayon at lalo raw lumabas ang ganda nito noong magpapayat ito, at umaliwalas at bumata pa ang hitsura. Bongga.

Bongga ang EDDYS...

Sure ako na medyo nervous si Salve dahil two nights na lang at 7th Eddys Awards ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors.

Maraming naghihintay at excited sa awarding na ito na isa sa pinaka-credible at hindi mo talaga maki-question ang resulta. Kahit pa nga mas matagal na ‘yung ibang awarding bodies, prime awards pa rin ang turing sa Eddys.

Tiyak na bongga ang mga presenter nila.

Tiyak na maraming fans ang pupunta sa venue para makita ang mga favorite star nila.

As always, isang gabi ito na mapupuyat lahat dahil gusto nilang saksihan kung sino ang mananalo. Tiyak ako na magiging newsmaker ang lahat ng winners. At talagang it will be a colorful night para sa lahat.

Kaya naman alam ko na very excited at ner­vous na sina Salve at Gorgy Rula para matiyak na lahat mag-i-enjoy sa gabi ng Eddys. Kasali pa si Pat-P para sa very bright production ng Brightlight. Bongga.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with