^

PSN Showbiz

Lorna, excited sa bagong apo!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lorna, excited sa bagong apo!
Lorna Tolentino
STAR/File

Happy at excited lola ngayon si Lorna Tolentino dahil magkakaroon na siya ng baby boy na apo.

Nakadalawang apo na ang premyadong aktres mula sa panganay niyang anak na si Rap Fernandez, na puro girls ito.

Ngayon naman ay sa bunsong anak niyang si Renz Fernandez.

Ikinasal si Renz sa aktres na si Jef Gaitan kamakailan lang, na nakikita namang nagdadalangtao na ito.

Seven months preggy na pala si Jef at sa September daw ang due date nito.

“Yes! Virgo family sila,” text sa akin ni Lorna Tolentino tungkol sa expected na panganganak ng kanyang daughter-in-law.

Ibinahagi pa niya sa amin ang ipapangalan nila sa baby boy, na si Rodolfo Victor daw ang magiging name nito.

Obviously, galing sa namayapang aktor na si Rudy Fernandez ang Rodolfo at ang Victor ay kinuha naman sa pangalan ni LT na Victoria.

“Yes. Sa side lahat ni Renz (laughing emoji),” ang text ni LT sa akin tungkol sa kinunan ng pangalan ng magiging apo nito.

Taong 2013 pa pala nagkakilala sina Renz at Jef, pero isang taon pa lang pala ang kanilang relasyon nang mag-decide na silang magpakasal.

Goma at Eric, bet din ang National Artist ni Ate Vi

Magmula nang in-announce ng Aktor Ph na pinangungunahan ni Dingdong Dantes, na si Ms. Vilma Santos ang i-nominate nila bilang National Artist, ang dami nang nagpahayag ng suporta.

Ani Cong. Richard Gomez, “Ang laki ng contribution niya sa movie industry. At saka malaki rin ang naitulong niya noong siya ay naging governor.

“Andami niyang natulungan, andami niyang naturuan sa movie industry.

“So these are some of the criteria for National Artist. Kung tatanungin mo ako, karapat-dapat bang ma-nominate si Ate Vi? Karapat-dapat.”

Itinuring naman ni Eric Quizon na mapalad siya dahil at his early age ay nakatrabaho na niya si Ate Vi.

“Bakit hindi? Siyempre, si Ate Vi ‘yan, ‘di ba?” sabi naman ni Eric Quizon nang nakatsikahan namin sa gitna nang meeting niya para sa Eddys Awards.

“At alam naman natin ang body of work niya, and what she’s done for the entertainment industry. Sa kanyang contribution.

“Bukod doon ang humanitarian purpose niya, saka contribution niya hindi lang sa entertainment kundi sa sambayanang Pilipino,” dagdag niyang pahayag.

Nakasama ni Eric si Ate Vi sa pelikulang Ibulong Mo Sa Diyos at Hahamakin ang Lahat.

“Siyempre of course, I was so privileged at a very young age, nakatrabaho ko si Ate Vi,” tugon ni Eric.

Samantala, napag-usapan din noon ang nomination kay Dolphy bilang National Artist.

“I don’t know. Hindi na namin inaano. Kasi, kung may mag-nominate, then thank you. Kung hindi, OK lang din,” kaagad na sagot ni Eric.

Si Eric ang direktor sa nalalapit na Eddys awards na gaganapin sa Hulyo 7, Linggo, ng 7:00 p.m. sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Kabilang si Ate Vi sa anim na best actress nominees. Nominado si Ate Vi para sa Metro Manila Film Festival 2023 official entry niyang When I Met You In Tokyo.

Makakalaban niya sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), Charlie Dizon (Third World Romance), Julia Montes (Five Breakups And A Romance), Marian Rivera (Rewind), at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).

Matindi ang labanan sa kategoryang ito na siyang inaabangan ng lahat.

LORNA TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with