^

PSN Showbiz

Anne, pinagluluksa ang anak na pusa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anne, pinagluluksa ang anak na pusa!
Anne Curtis

Nagluluksa ang actress-host na si Anne Curtis sa pagkamatay ng kanyang alagang pusa na si Mogwai.

Ipinost ng misis ni Erwan Heussaff ang mga litrato nila ng bonding nila ng kanyang pumanaw na pusa at mga litrato nito.

“On a rainy Sunday afternoon, after almost 11 years of being part out of our family, our dearest Mogwai has crossed over the rainbow bridge  He will always my little gremlin munchkin. Sweet dreams old man. We are going to miss him,” caption ng It’s Showtime host.

Ramdam ang lungkot nito lalo na’t hindi biro ang tagal ng kanilang pinagsamahan na lagpas isang dekada.

Alam ng kanyang fans kung gaano nito kamahal at baby na nga raw nito kaya nalungkot din ang mga ito sa pinagdaraanan ng Kapamilya actress.

Tila kagagaling nga lamang ng pamilya nila sa bakasyon base sa kanilang mga post ng mga litrato sa South Africa kasama ang anak nilang si Dahlia at pamilya nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, pati na rin ang mga anak nilang sina Tili at Maëlys.

Ngunit namatay si Mogwai noong June 30 pero hindi na nito sinabi ang dahilan kaya sabi nga ng isang netizen ay hinintay lamang siya at pamilya niya nito bago lumisan.

Sayang lang dahil pagkatapos ng bakasyon nila kung saan daw sila gumawa ng core memories sa nasabing bansa at lutang ang saya nila ay sad news naman ang bumungad sa kanila pag-uwi nila.

Hindi na kasi ito basta hayop kundi parte na rin ito ng pamilya na siguradong makaka-relate ang fur parents.

vuukle comment

ACTRESS

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with