^

PSN Showbiz

Manager ni Jennylyn, nilinaw ang paglayas ng aktres!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Manager ni Jennylyn, nilinaw ang paglayas ng aktres!
Jennylyn Mercado

Nagpadala kahapon ng statement ang tanggapan ni Becky Aguila, ang manager nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kaugnay sa nag-viral na sagot ng Kapuso actor na “May ABS pa ba?”

Nilinaw na rin niyang mananatili sa GMA 7 si Jennylyn at sinagot ang tungkol sa ‘di pagkasali sa station ID ng Kapuso network.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Becky Aguila ng Aguila Entertainment, “I just want to clarify to those who keeps on insinuating re the issue of network transfer that Jennylyn is a loyal artist of GMA and will always remain loyal for as long as her mother network wants her to stay.

“She was absent from the station ID simply because she was unavailable that day. Rest assured GMA extended an invitation to her, which we very much appreciate.

“As for Dennis’ alleged comments on TikTok, it was not him. Dennis is a very humble and respectful and known to be a man of few words. He is not the type who would release comments that are insensitive to others most specially to his former colleagues in ABS-CBN where he was first launched via Star Circle. His account was hacked yesterday as what our official statement said.

“Hope these clears everythng. We appeal to the public to stop spreading hate and false accusations online.”

May ilang komento pa ring nakakarating sa aming hindi sila naniniwalang na-hack ang TikTok account ni Dennis Trillo.

Pero sa totoo lang, sa aking pananaw, hindi naman mali ang sagot niyang nagtatanong kung may ABS pa ba. Kasi wala naman talaga silang prangkisa.

Masakit nga lang pakinggan, pero ‘yun ang totoo, dahil wala na ‘yung network, kundi bale content creator na sila at nakikipag-collaboration sa ilang network at production.

Isang kaibigang dating taga-ABS ang nagkuwento sa akin na talagang nalungkot daw siya nang pumunta siya sa ABS-CBN studio kamakailan lang.

Ibang-iba raw ito sa dati na talagang ang saya at ang busy ng bawat department na napupuntahan niya.

May isang floor daw doon na ang dating sobrang lamig, napakainit na raw ngayon at madilim dahil wala nang may nagtatrabaho.

Napakalayo na raw sa dating ABS-CBN 2 na may prangkisa pa at namamayagpag sa TV industry.

Naririnig na raw nilang nakatakda nang i-demolish ang ilang bahagi ng building, pero wala pa kaming nakuhang kumpirmasyon kung totoo ito.

Bea at Carla, nakipagtapatan sa pamilya…!

Masaya ang mga taga-Wi­dow’s War dahil maganda ang rating ng pilot episode nito noong Lunes, July 1.

Pinalitan kasi nito ang My Guardian Alien na ilang araw ding naka-double digit ang ratings nung nagsimula ito.

Ang intense pa naman ng drama ng Widow’s War nina Bea Alonzo at Carla Abellana, at maganda ang mga trailer. Kaya maaring inaabangan ito at tinutukan.

Inaasahang mas tataas pa ito ‘pag patindi nang patindi na ang drama nito.

vuukle comment

ACTRESS

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with