Makakatulong ba sa box office performance ng pelikulang Kuman Thong ang public display of affection ni Direk Xian Lim sa kanyang bagong girlfriend? Sana sana!
Abangan natin ang box-office results ngayon. Magtatagumpay kaya sila laban sa pag-a-assemble ng minions sa Despicable Me 4? Good luck!
LGBT talents, mas maraming raket
Ang saya at active na naman ang clubs featuring LGBT talents na nasa Rampa at Vice Comedy Club! At wagi rin ang comedy reality show na “LOL: Last One Laughing Philippines” that will premiere on July 4 sa Prime.
Sino ang bet niyo sa mga komedyanteng kasali: Rufa Mae Quinto, Pepe Herrera, Jayson Gainza, Empoy Marquez, Kim Molina, Jerald Napoles, Tuesday Vargas, Victor Anastacio, Chad Kinis, and Negi? Interesting talaga ito ha!
Home along... hopia sa 50th MMFF
Hoping ang mga taga-Home Along The Movie na mapasali sa 50th edition ng MMFF. If ever, mabubuo kaya nila ang cast na sina Boy2 Quizon, Maybelyn dela Cruz, Vandolph, Dang Cruz, Smokey Manaloto, Cita Astals, Nova Villa at Claudine Barretto? Ano ito, kasosyo kaya nila ang ABS-CBN kung saan nag-originate ang nasabing palabas? Dito masusubukan kung may panibagong panghatak pa rin sila sa box office.
Blooms, nadismaya
Totoo bang disappointed ang Blooms sa inilabas na merchandise ng Bini kamakailan? ‘Yan lang kasi ang nakakalungkot, expected ng lahat ang lightstick merch and freebies, like photocards ng fans. Kaya lang, nang maiuwi na nila ang merch products na pinag-ipunan nila at binili ay nadismaya ang followers nila dahil ang quality raw ng merch ay hindi worth ng kanilang ginastos. Bakit?
May pagka-generic ba ang merch na ito? Hindi naman isyu sa Bini fans ang magbayad ng medyo mahal basta magandang klase at worth it daw talaga.
May nagsabing ang cheap ng lightsticks at ang photocards, ang simple ng pagka-design at uneven ang pagka-cut. Ang nipis daw ng materyal pero napakamahal ng presyo.
Nakakahiyang ihanay sa koleksyon nila ng mga merch. Parang galing lang daw sa Divisoria pero abot-langit ang halaga?
Going global, pero ganito lang ang quality ng photocard nila?
Ang tanong tuloy nila, “Salamin, Salamin, Kailan kaya aayos ang trato nila sa amin?”
Blooms deserve better daw!