^

PSN Showbiz

Vice, gusto nang patakbuhing senador

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Vice, gusto nang patakbuhing senador
Vice Ganda at Regine Velasquez

Bravo at pagkatapos ma-postpone dahil inulan last weekend, natuloy din si Vice Ganda sa kanyang napakagandang peformance sa Love Laban 2 kasama ang isa pang icon na si Regine Velasquez. At nang magsalita na siya, napakaraming issue tulad ng SOGIE Bills, equal rights at pati na West Philippine Sea ang kanyang nabigyang diin - kaya ang tanong - hindi kaya maisip ni Vice Ganda na lumaban sa pagkapangulo kung napakalimitado naman ng ating choices.

Narinig dati ang isang premyadong direktor na nagsabi na kung myth building na rin lang ang labanan, let’s rally behind someone who is highly popular at maipaglalaban ang ating mga prinsipyo’t paninindigan.

Ang tanong - why not Vice Ganda for Senator or kahit President? Puwede naman, di ba?

BINI, gumawa ng history

Congratulations sa BINI! They made history for being the first Filipino Girl Group to hold 3 outstanding sold out shows at the New Frontier Theater last June 28, 29 and 30.  Next stop nila - Araneta Coliseum this coming August! Mapupuno ba nila ito? Manalig tayo na kayang- kaya ‘yan ng BINI-verse na tila naungusan na sina Julie Ann San Jose at Toni at Alex Gonzaga sa concert records!!!

Stage plays na pinuri, gawa ng mga babae

Yung tatlong napiling pinakamagagandang plays  sa Virgin Labfest 19 are directed by women. The two plays are written by women. All plays, the lead characters are women!

Sa Babaeng Lahat

Playwright: Elise Santos

Direction: Caisa Borromeo

Identite

Playwright: Jhudiel Clare D. Rosas

Direction: Meann Espinosa

Pagkapit SA Hangin

Playwright: Joshua Lim So

Direction: José Estrella

Bakit hindi nakasama ang FOXROT nina JC Santos at Liezl Batucan? Ma at pa! Swerte ang mga nakapanood ng dulang iyun. Sayang hindi na ‘yun maipapalabas muli next year. Congrats and looking forward tayo sa VLF 20 next year!

Direk Joey, nagluluksa

“I am in pain. My heart is so broken. I love you, my Friend.  I will miss you so badly,” ang post ng FDCP Chair na si Direk Joey Reyes Linggo nang gabi.

Sino ang tinuturing niyang friend? Walang iba kundi ang BFF niya at kababatang actor-director na si Manny Castañeda. Si Manny ang headwriter ng The Sharon Cuneta Show. Siya ay nagsimula bilang aktor noong 1979, sa pamamagitan ng pelikulang Aliw. Kabilang sa mga nauna niyang pelikula ay ang Oro Plata Mata (1981), Relasyon (1982), Bukas Luluhod Ang Mga Tala (1984), Tinik Sa Dibdib (1985), at Sana’y Wala Nang Wakas (1986) at marami pang iba. Napanood siya sa Cinemalaya entry na Nuwebe (2013). Huli siyang napanood sa Kapuso afternoon drama series na Makiling nito lamang 2024.

Kabilang naman sa mga pelikulang idinirek ni Manny ay ang Guwapings Dos (1993), Ging Gang Gooly Giddiyap: I Love You Daddy (1994), Kailanman (1996), Sa Kabilugan ng Buwan (1997), April May June (1998), May Isang Pamilya (1999), at Shame (2000).

Makakasama na ni Manny sa kabilang buhay ang mga kaibigan niyang sina Don Escudero at Khryss Adalia. Pati nga ang direktor niyang si Soxie Topacio puwede na silang gumawa ng play sa langit. Ang tanong, sino ang leading man?

Nakakataquote:

“Sorry, but even if some do not like it, they will be seeing more of us. We are inseparable.” — Issa Pressman on James Reid

REGINE VELASQUEZ

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with