^

PSN Showbiz

Kathryn at Dominic, magkabuntot ‘pag nagpapaganda!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kathryn at Dominic, magkabuntot �pag nagpapaganda!
Dominic Roque at Kathryn Bernardo

Twinning sina Kathryn Bernardo at Dominic Roque nang dumating sa isang beauty clinic for their skin treatment and  maintenance.

Sabi ng fans, kapag sa nasabing beauty clinic pumupunta si Kathryn, si Dominic ang kasama at kapag sa jogging, si Jericho Rosales naman ang nakakasama. Kapag may family occasion sa bahay nila at birthday ng kanyang glam team, si Alden Richards naman ang kanyang escort.

Heto lang ‘yun, gustuhin man ni Alden na samahan si Kathryn sa naturang clinic, hindi puwede dahil loyal siya sa Belo at isa siya sa mga unang Belo baby.

Nakalulungkot lang na parehong na-bash sina Dominic at Alden dahil kay Kathryn. Magaling daw kumabit si Dominic sa may mga pangalan sa showbis. Agad siyang kinontra ng fan ni Kathryn at sinabing matagal ng magkaibigan ang dalawa at “Bro” pa nga ang tawagan.

Tinawag ding “user” si Alden dahil dumikit daw kay Kathryn nang mag-break ang KathNiel. Si Alden daw ang nag-effort na matuloy ang sequel ng  Hello, Love Goodbye.

Kung anu-ano pang pang­lalait kay Alden na hindi naman kasali sa pagpunta nina Kathryn at Dominic sa Aivee Clinic.

Dennis, biglang kambyo sa paNg-iimbyerna sa netizens

Sinugod na nga si Dennis Trillo sa Instagram account niya ng Kapamilya fans na nagalit sa sagot niyang “May ABS pa ba?” sa tanong kung bakit wala sa Station ID ng GMA si Jennylyn Mercado? Tanong pa ng fans, kung totoo bang lilipat si Jennylyn sa ABS.

Sa Instagram ni Dennis, may mga nag-comment na “Yes ABS CBN is thriving and constantly beating Kapuso shows.” May nag-comment pang “May Dennis Trillo pa pala,”

“Who is Dennis Trillo?” “La Ocean deep,” at “Cancelled.”

May nag-comment pa ng “Di mo alam na pag mamay-ari ng ABS ang Star Music kung saan maglalabas ng record ang asawa mo? what a shame! and yes kahit walang franchise an ABS meron at mas sisikat parin sila.”

Para namang hindi si Dennis ang sumagot sa fan na unang nagtanong sa TikTok nito dahil sa mga sumunod nitong comment. Sa tanong kung management decision ba ang pagde-delete niya ng comment at ipinaalala sa kanya na galing lang siya sa ABS, nang samahan si Jennylyn Mercado sa pagpirma sa Star Music.

Naglabas na ng official statement ang management si Dennis na Aguila Entertainment. Nauna rito, sinabi ni Jan Enriquez ng Aguila Entertainment na nagte-taping ng Pulang Araw ang aktor, limited ang access sa kanyang phone. Ang payo niya ay ‘wag agad maniwala sa mga ganitong isyu.

Korean actor dito na nakatira sa PH

May hanash ang ibang fans sa pagpasok ni Kim Ji Soo sa Black Rider, kaya raw nasa bansa ito dahil walang bagong drama series sa South Korea dahil may isyu sa kanya. Saka, matagal na raw ito sa Pilipinas.

Ang nabasa namin, na-clear na ang isyu na pambu-bully daw kay Ji Soo. Ang hindi namin alam ay kung totoong matagal na siya sa bansa na wala namang isyu kung totoo. Gusto niya rito at wala tayong control sa gusto niyang gawin.

Anyway, pinost ni Ji Soo ang teaser ng Black Rider g mga eksena niya.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

DOMINIC ROQUE

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with