^

PSN Showbiz

BINI, panalo sa bagong single

Pilipino Star Ngayon
BINI, panalo sa bagong single
Ilang linggo na ang nakararaan, inilabas nga ang Nasa Atin ang Panalo music video, isang kolaborasyon kasama ang BINI, SB19, si Flow G, at ang SunKissed Lola.

Nagbabalik ang nation’s girl group na BINI, kilala sa kanilang mga na­ngungunang kanta,  inihahandog nila ang isang bagong single na nilikha kasama ang Puregold.  Sa kantang Nasa Atin ang Panalo,  ipinasok ng BINI ang temang  Ang Kwento ng Pagbabago. “When we decided to feature and work with our country’s leading musical artists, we knew we had to collaborate with BINI,” sabi ni Puregold President Vincent Co. “They’ve worked hard to make themselves an important part of the local music landscape, and we’re proud to showcase their talent in collaboration with us.”

Ilang linggo na ang nakararaan, inilabas nga ang Nasa Atin ang Panalo music video, isang kolaborasyon kasama ang BINI, SB19, si Flow G, at ang SunKissed Lola.

Sa awitin, nakapokus ang BINI sa kanilang pag-unlad at paglago bilang grupo. Katulad ng kanilang mga nagmamahal na fan na tinatawag na “Blooms”, patuloy din sila sa pamumukadkad sa kanilang karera.

Paalala ang kanta sa mga Blooms at mga nagmamahal sa musika sa bansa, na palaging may panibagong araw upang pagbutihin pa ang sarili. “Anuman ang pinagmulan/Mas mahalaga ang pupuntahan!”

Sa music video ng single, mapapanood din sila na sumasayaw at nagtatanghal sa isang store.

Dito, ibinabahagi rin nila ang kanilang kuwentong Panalo sa mga empleyado at mamimili sa Puregold. Ipinagdiriwang ng kanta ang BINI at ang mga taong nakatulong din sa tagumpay ng Puregold sa nagdaang mga taon.

Isa sa mga pangunahing magtatanghal sa  Nasa Atin ang Panalo Thanksgiving concert ng Puregold ang BINI, sa Hulyo 12 sa Araneta Coliseum. Itatampok din dito ang SB19, at si Flow G; habang maghahandog naman ng espesyal na pagtatanghal ang SunKissed Lola.

Para sa karagdagang impormasyon kung paano makakukuha ng ticket, i-follow lamang ang Puregold at ang mga musikero sa kanilang mga social media account.

vuukle comment

ARTIST

BINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with