Wala pang reaction si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa inamin ni Kris Aquino na may bagong karelasyon na siya.
Hindi raw sila nagkabalikan at doctor ang bagong karelasyon niya.
Kabilang ito sa inamin ni Kris sa exclusive interview ni Ogie Diaz sa kanyang vlog.
“Yes, definitely, walang balikan na mangyayari,” pag-amin niya tungkol sa real status ng kanilang relasyon ng pulitiko.
Sinabi niyang nag-umpisa ang pagkakalabuan nila ni VG Mark noong November, 2023.
Sinubukan naman daw niya itong ayusin, pero hindi na bumalik sa dati.
“Pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto. Pero ayoko nang magsabi pa ng more than that because part of the reason why it did not work out was I’m at the stage in my life na mas gusto ko nang tahimik,” kumpisal niya sa interview.
Inamin din niyang tumatak sa kanya ang sinabi ni Bimby na “mama, I don’t think you really love him. I think you’re just sad,” na pakiramdam niya ay tama.
“We both tried but I think, tama ‘yung sinabi ni Bimb also and I’d like to say na we’re still friendly pero at a distance na,” sey ni Kris.
“I wish him the best and I’m sure he also wishes me well but I wanted to clarify lang kasi people might have the wrong impression,” pakiusap niya.
Naka-move on na siya sa naganap sa kanila at pakiusap niya, matigil na ang kung anumang isyu sa kanila.
“So, sana, tumigil na. And huwag na lang siyang tanungin din kung kamusta ‘ko kasi hindi naman niya alam kung kamusta na ako talaga. Kasi, wala nang communication apart from ‘thank you,God bless.”
Pero ang major revelation niya, may bago siyang karelasyon.
“It just flowed, nangyari. He’s a doctor and I think he’s part of the reason why it was easy. Kasi alam nya kung anong pinagdadaanan ko and he’s part of the reason why I’m confident na pwede akong umuwi. Kasi alam ko na there’s someone who will help in taking care of me.
“So obviously, by saying that, alam na nila that he’s a doctor based in the Philippines,” pagtatapat niya.
Wala na raw sila ni VG Mark nang pumasok ang doctor sa buhay niya.
“May malaking gap naman. Hindi sila nagkasabay. At hindi siya ang dahilan kung bakit. Walang overlap at hindi siya ‘yung dahilan kung bakit hindi kami naging okay,” paglilinaw niya.
Kasabay nito, inamin niya rin kay Ogie Diaz na plano na niyang umuwi ng bansa bago matapos ang taong 2024.
Pero aniya, ‘yan ay kung magiging maganda ang resulta ng medical procedure na gagawin sa kanya sa Amerika.
Kasalukuyan pa ring nasa Orange County, California. At sa kanyang tinitirhan doon naganap ang kanilang interview.
“I can reveal to everybody na hopefully, sa last quarter ng taon, bago mag-Pasko, I’ll be back in the Philippines,” sabi niya sa interview.
Pero kinakailangan niya ngang dumaan sa maraming test kabilang dito ang MRI with contrast dye.
Noong 2019 pa raw siya sumailalim sa ganitong procedure kaya may ramdam siyang takot.
“Eh ang mga allergy, nage-evolve. Pero in-assure naman ako na kaya ko daw kasi kung na-survive ko ‘yun, bago kami umalis ng Pilipinas, so that would be 2022, nakapag-pet scan na ako para malaman kung may cancer ka, clear ako do’n, and kinaya ko naman ‘yung in-inject sa akin nung panahon na ‘yun.
“So, eto ngayon, it’s very similar daw ‘yung i-inject sa ‘yo, ang makikita, magla-light ‘yan sa screen, kung may mga blockage ‘yung mga vessels.
“And if I clear that at kinaya, then, pwede nang ituloy sa Pilipinas ‘yung treatment sa ‘kin,” mahabang kuwento ni Kris kay Ogie.
“So, kung umuwi ako, it could mean na another 1 year and a half to 2 years na ‘yung gamot, kailangang patuloy that I’m taking it. So, mahaba pa ‘to talaga,” dagdag pa niya.