^

PSN Showbiz

Heart, sinabotahe sa PFW!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa rin nakaligtas sa pananabotahe si Heart Evangelista pagkatapos niyang rumampa at umawra-awra sa Paris Fashion Week.

Nag-IG live ito nung Sabado, June 29, at inilabas ang hinaing niya sa pagka-report ng account niya.

Hindi ko lang naabutan ang iba pa niyang sinabi pero masama raw ang loob niya nang ini-report ang kanyang account dahil sa isang post niyang medyo revealing ang kanyang suot.

Nagpaliwanag si Heart na kung revealing man ‘yun, hindi ibig sabihin na bastos ang dating, at hindi naman daw ganun ang kalooban.

Wala raw siyang ideya kung sino ang may kagagawan, pero tuwing nasa Fashion week ito at napapansin siya, meron talagang gumagawa ng paraan para isabotahe ang kanyang social media accounts.

Nangyari uli ito ngayong Fashion week.

“Sad, but ganun talaga,” pakli niya habang inaayusan siya ng kanyang glam team.

Nagpapaayos siya dahil nagha­handa siya sa isang interview sa Vanity Fair France, at meron pa raw siyang meet and greet sa kanyang fans doon.

Meron pa raw siyang dalawang shoot, at pagkatapos nito ay kailangan na raw niyang mag-relax.

Pero dahil sa ginawang ito sa kanya, babawiin na lang daw niya sa shopping.

“I think I deserve to shop. I’m gonna shop today. I’m gonna max my credit cards, because life is good that way, char!” bulalas niya.

Baka isipin daw ng iba na kumita siya nang bonggang-bongga sa pag-attend niya sa ganung Fashion week, hindi raw ganun.

“So in short, hindi ko po ito kabuhayan showcase kasi, isang ubo ko lang ‘yung last na ‘yung kinikita ko rito. So, isa-shopping na lang natin ‘yan. Nang dahil diyan sa pag-report n’yo sa account ko, nasa-sad lang ako nang konti. Pero thank you pa rin sa inyo kasi na-justify ko ‘yung pag-shopping ko today,” napapangiti niyang pahayag.

“I don’t what it is, but every fashion week is always like that. It’s not anything new.

“I’ve been through this many times. After 26 years in the business, I know how it works. But goodness will always prevail. So, ‘yun lang,” sabi pa niya.

Wala raw talaga siyang ideya kung sino ang may kagagawan nito. Pero nakiusap siya sa mga fans niyang hayaan na lang, at huwag nang makipag-away. “Tell me who your fans are and I will tell you who you are,” sambit niya.

“We’re not here for that. We’re here to enjoy. Ahmm, I don’t know who exactly we’re fighting with, because honestly, I’m not competing with anyone. I’m just minding my own business.

“So, to my fans, no fighting. I don’t want that. Let them fight with us. Let them do this to us, and at the end of our lives, you will see where life will come all of us, and it’s gonna be in a good place.

“You will see. It’s just happened many times. Not that anyone is perfect or anything. I’m not perfect myself but I could be able in a certain way like that.

“I haven’t tried to ruin other people just because they want what you to have. But it’s okay. Just do what you do, and to my fans please please. Do not engage, do not fight. This is not us. It’s not who I am. So, huwag huwag huwag,” pakiusap niya sa kanyang mga fans at supporters.

OWWA, tuloy ang pakikipag-collab!

Patuloy pala ang collaboration ng OWWA sa mga network at talent agency para ma-promote ang kanilang proyektong Balik Saya.

Personal na inaasikaso ito ng administrator ng OWWA na si Arnelli Ignacio.

Kagaya ng world tour ng Sparkle na kung saan ay may concert sila sa Amerika, Canada at Japan.

Sa Sept. 1 ang Sparkle Goes To Japan na gaganapin sa Hikarigaoka Park sa Nerima City, Tokyo.

Tampok dito sina Ruru Madrid at Bianca Umali, Ken Chan at Jillian Ward, kasama rin si Betong Sumaya.

May sponsorship dito ang OWWA ni Arnelli at marami pa raw silang collaboration sa iba pang Balik Saya show nila sa iba’t-ibang bansa.

Pino-promote nila sa mga kababayan nating OFW na magpa-member sila sa halagang 25 US dollars sa loob ng dalawang taon.

Malaking tulong naman daw ito, magpapagaan sa kanila kung miyembro sila ng OWWA.

vuukle comment

EVEANGELISTA

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with