JM at Donnalyn, hindi na bago
So si JM de Guzman pala at Donnalyn Bartolome na pala all along?
May pa-jowa reveal sila nitong anniversary nila– weno naman ngayon? Ikakaangat ba ito ng status nila bilang mga artista?
Sana na lang makatulong ito sa pagpapaganda at pagsasaayos pa ng buhay nila!
Dingdong, nilinaw ang nominasyon ni Ate Vi!
May ginawang paglilinaw si Dingdong Dantes kahapon. Medyo mainit kasi ang mga mata ng ilang netizens sa nailahad na nominasyon ng grupo nila for National Artist.
Ang sabi, “In the announcement as representative of AKTOR - League of Filipino Actors regarding Ms. Vilma Santos-Recto’s nomination for National Artist for Film & Broadcast Arts, made during the press conference held on Friday, June 28, 2024, at the Manila Hotel, I incorrectly referred to Ms. Vilma Santos’ films as having received Oscar nominations.
“What I intended to convey was that her films, specifically “Anak” (2000) and “Dekada ‘70” (2003), were submitted as the Philippines’ official entries to the Academy Awards (Oscars).” “My apologies for any confusion caused.”
Nag-last day na ng submission para sa mga nominasyon para sa National Artist kahapon. Bukod kay Ate Vi, naihabol ang nominasyon ni Bing Lao para sa pelikula, Louie Ocampo para sa musika, Nicanor Tiongson at Pete Lacaba para sa literatura at marami pang ba.
Sayang at hindi naihabol ‘yung kina Lualhati Bautista, Floy Quintos at Pilita Corrales.
Sa susunod na round na lang kaya?
Nakakatawa ang sarkastikong tanong ng isang taga-ibang kampo: saang category ba si Vilma sa National Artist, dance?
Hayyyy naku, sana ituring nating karangalan sa larangan ng pelikula at sining biswal kapag may dagdag na binibigyan ng ganitong Gawad. Huwag nang mag-away away, ‘di ba?
MMFF, bumuhos ang script entries
Sa hindi inaasahang dami ng script entries na isinubmit for consideration sa 50th Anniversary ng MMFF, hindi kakayanin ng Metro Manila Film Festival Selection Committee na maglabas ng resulta ng first 4 official entries ngayon.
Ang tanong, kailan na ito magaganap? Nabalitaan namin na July 15 ang target na announcement – dahil mabusising binabasa at sinusuri ang mga submissions.
Iba, espesyal, 50th MMFF kasi.
Nakakataquote:
May bagong karelasyon si Kris Aquino, isang doktor na taga-Makati. ‘Yan ang pahayag niya sa vlog ni Ogie Diaz.
Paglalarawan ni Kris, “He’s a doctor, and I think that’s part of the reason why it was easy kasi alam niya kung anong pinagdadaanan ko. He’s part of the reason why I’m confident na pwede akong umuwi kasi alam ko there’s someone who will help in taking care of me.”
- Latest