^

PSN Showbiz

Carla, masaya na ulit ang lagay ng puso

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Carla, masaya na ulit ang lagay ng puso
Carla Abellana.
STAR/ File

Pitong taon munang naging magkasintahan sina Carla Abellana at Tom Rodriguez bago nagpakasal noong Oct. 23, 2021. Hindi pa man umaabot ng kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa ay nagkahiwalay na ang dalawa. Ngayon ay masaya na ang lagay ng puso ng aktres. “Opo, happy. It was a difficult journey to get to this point. But yes, confident na sabihing happy, very happy. Long, tedious, difficult way to get to. Definitely free from the pain. I’ve let go of that already. We are divorced, recognized na ‘yan ng local court natin dito. We haven’t spoken since hindi pa po kami nagkikita or nag-uusap. Wala po akong updates or anything. We don’t communicate anymore,” nakangiting pahayag sa amin ni Carla sa Fast Talk with Boy Abunda.

Maraming mga natutunan ang aktres mula sa buhay may-asawa.  “Of course, relationships are so important. Family is important. Marriage is important, it’s sacred pa nga po. Pero kapag hindi na po tama, or too much already, hindi na po dapat ipilit pa. Hindi naman po sinasabi ko na ‘yung mga mag-asawa na hindi okay ay dapat maghiwalay na po. If there are things that are already too painful or hindi na po maayos or hindi na ma-resolve, dapat hindi na po siya pini­pilit. Because you might lose yourself, baka maging malala po kapag marami na pong ibang affected, hindi na po dapat,” makahulugang pahayag niya.

Para kay Carla ay nakatutulong din sa relasyon ng mga mag-asawa kung hindi maglilihiman sa isa’t isa. Kahit nakapagpatawad na ay hindi naman daw makalilimutan ng aktres ang mga pinagdaanan nila ni Tom. “No po, it doesn’t just leave your head, your heart even. Even the body po eh naaalala pa rin po. Lalo na kasi it wasn’t so long ago. ‘Yung secrets medyo questionable ‘yan, baka delikado na. Ako po ‘yung type na hindi nagtatago ng secrets. Kasi ano pong point na magtago ka ng secrets when God sees and hears everything. Parang hindi ka safe, walang tago, escape. Hindi ako ‘yung type na nagtatago ng secret kasi hindi ko rin po kaya. Knowing that I know something, and I’m keeping something from my loved ones,” pagtatapat ng aktres.

Dingdong, hanga kay Charo

Katatapos pa lamang ng shooting ng pelikulang pinagbibidahan nina Charo Santos-Concio at Dingdong Dantes. Malaki ang pasasalamat ng Kapuso actor dahil nabigyan ng pagkakataong makatrabaho ang beteranang aktres. “As in, grabe ‘yung experience. Kakaiba si Ma’am Charo. Napakagandang experience for me. I am very grateful I was able to work with her in this lifetime,” bungad ni Dingdong.

Humanga umano ang aktor sa pagiging propesyunal at mabait ng dating ABS-CBN executive. “Siya ‘yung tipong kung ano ang nakikita mo sa TV. Ganoon siya ka-genuine, bait at kahusay,” giit niya.

Ngayon pa lamang ay talagang maipagmamalaki na ni Dingdong ang bagong pelikula. Malaking karangalan para sa aktor na makagawang muli ng isang makabuluhang proyekto.

“Plus sa material na gano’n kaganda. Sinulat at dinirek ni Irene (Villamor). It was such a privilege,” pagtatapos ng Kapuso actor. (Reports fom JCC)

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with