^

PSN Showbiz

Ryan Bang, excited nang ikasal sa non-showbiz gf

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ryan Bang, excited nang ikasal sa non-showbiz gf
Paola at Ryan.
STAR/ File

Ang bongga naman ni Ryan Bang na engaged na sa non-showbiz girlfriend niyang si Paola Huyong.

Ibinahagi ng magkarelasyon ang mga litrato nila sa kanilang engagement noong Saturday.

“God is good,” caption ni Paola.

Kasama sa litratong in-upload nito ay letter mula kay Ryan para sa kanyang fiancée na may nakasulat na “Mi Amor

“Thank you for saying ‘YES’

“Can’t wait to spend the rest of my life with you

“From your soon to be husband”

Kamakailan nga ay binahagi rin ni Ryan na nagkaroon ng reunion ang mga magulang niya para makilala ang mga magulang ng karelasyon.

Doon na nga nito niyayang magpakasal si Paola.

Ibinahagi rin niya ang mga litrato nila kasama ang mga magulang nila.

Doon ikinuwento niya kung paano niya ipinagdasal na makasama ulit ang mga ito nang kumpleto at kung paano nasagot ang dasal niya.

“Year 2005 isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpunta ng Philippines ay dahil naghiwalay yung parents ko. Araw-araw kong pinagppray kay God na sana dumating ulit yung araw na magkasama ulit kami kahit sa isang dinner lang at ngayon answered prayer talaga na nagkasama kami ulit at ang pamilya ni @paohuyong Wala talagang imposible kay Lord,” caption niya.

At matapos nga ang ilang araw ay inanunsyo na nila kahapon ang tungkol sa kanilang engagement.

Maaalalang buwan ng August noong nakaraang taon nang sorpresahin ng TV host ang lahat nang inanunsyo niya sa noontime show na It’s Showtime na may girlfriend na siya.

Si Vice Ganda pa raw ang unang tinawagan nito noong gabi bago ito mag-anunsyo dahil tinuturing nitong nanay ang karelasyon ni Ion Perez.

Nagkakilala raw ang engaged couple sa isang football game. Bongga.

vuukle comment

PAOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with