^

PSN Showbiz

Jennylyn, lalayas na sa GMA?!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang nababalitang lilipat sa ABS-CBN si Jennylyn Mercado at ang pagpirma raw nito ng recording contract sa Star Music ang first step na lilipat nga siya. Lalong umingay ang balitang palipat siya dahil wala siya sa bagong Station ID ng GMA Network.

Natatakot ang Kapuso fans niya na baka totoo nga ito dahil kung sasabihin lang na kaya wala siya sa SID dahil magre-renew pa lang siya ng kontrata sa GMA Network, puwede namang gawan ng paraan.

May nababasa kaming pakiusap ng fans sa management company ng aktres na sana, ‘wag nilang ilipat ang aktres. Homegrown talent daw siya ng network at parang masakit na lilipat siya ng network.

May mga sumisi naman sa GMA Network, kung totoo raw na hindi siya available sa araw ng SID shoot, puwede namang gawan ng paraan at isali pa rin siya. Ginawa ito kay Sen. Bong Revilla at sa iba pang hindi physically present.

Pangako ng management niya, “very soon” may balita sila sa aktres at umaasa ang fans na ang magandang balita ay ang hindi pag-alis niya sa GMA Network para lumipat sa ABS-CBN.

Kyline, pinintasan

Hindi lang pala nag-dinner sa Uma Nota Restaurant sa BGC sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, nagpunta pa sila sa bar at may TikTok na nakipag-jamming si Kyline sa vocalist ng banda. Makikita si Kobe na busy sa pagkuha ng photos nito habang kumakanta.

‘Kaloka lang ang netizens, wala na sigurong maipintas kay Kyline at ang suot na lang nito ang pinansin. Very ‘90s at very J.Lo raw ang suot nitong naka-spaghetti tops, naka-cargo shorts at may heels ang suot na sapatos.

Tanong ng netizens, ano ang mali sa suot nito? Kung ‘yun ang feel niyang isuot, bakit tayo nakikialam. On the other hand, may pumuri sa OOTD ng dalawa.

Anyway, may hard launch na nga ang relasyon nila nang makitang holding hands habang naglalakad sa BGC. Ang sunod na inaabangan ng netizens ay kung si Kobe ang magiging escort niya sa GMA Gala 2024. Ano ang puwedeng itawag na launch kapag dumating silang magkasama sa event.

On the other hand, may mga ma-disappoint kaya kung solo na dumating sa event si Kyline?

May narinig kaming tsika na pinayuhan siya to attend the event na solo siya at bakit kaya?

Vice, napahagulgol sa engagement ni Ryan!

Parang Kapamilya na ni Ryan Bang si Vice Ganda na naging emotional at naiyak pa after ng engagement nina Ryan at non-showbiz GF nito. Sa It’s Showtime kahapon, nagyakapan at nag-iyakan sina Vice at Ryan.

Sabi ni Vice, “Congratulations! Kahapon pa lang bago siya magpunta doon, hagulgulan na ka­ming dalawa. Wala lang, I’m just so proud.”

Kuwento naman ni Ryan, “Kuya Vhong (Navarro), nung nag-‘yes’ si Paola sa akin, tinawagan ko agad si Mommy (Vice). Nag-FaceTime kami, iyakan kami.”

Ayon naman kay Vice, sobra siyang na-touch sa sinabi nito na siya ang u­nang sinabihan nito na magpo-propose na siya. “Sabi niya, ‘Wala akong ibang pinagsabihan, kahit nanay at tatay ko. Sa’yo ako magpapaalam. Siyempre gusto ko ikaw ang unang makaalam.”

Sigurado nito, isa si Vice sa magiging ninang sa kasal ng anak-anakan niya at sa fiancee nitong si Paola.

vuukle comment

ABS-CBN

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with