^

PSN Showbiz

Atty. Gozon, itinanghal na 2024 Communicator of the Year

Pilipino Star Ngayon
Atty. Gozon, itinanghal na 2024 Communicator of the Year
Atty. Gozon
STAR/ File

Pinarangalan ang chairman ng GMA Network na si Atty. Felipe L. Gozon ng International Association of Business Communicators (IABC) Asia Pacific bilang 2024 Communicator of the Year (COTY) sa Executive Leader ca­tegory.

Binigyang-pugay ng parangal ang kanyang mga natatanging ambag sa larangan ng komunikasyon at ipinapakita ang kanyang mahalagang papel sa pagbabago ng GMA upang maging isa sa pinakamalakas na puwersa sa broadcast media sa Pilipinas ngayon.

Si Gozon ay isang batikang abogado na walang inuurungan sa korte bago nito pasukin ang larangan ng media. Ngunit maaga nitong natamasa ang tagumpay nang makatapos sa top 10 ng University of the Philippines Law Class of 1962 at pumasa sa bar exam noong parehong taon, na nakapasok sa 13th sa pangkalahatan. Pagkatapos ay kumuha siya ng Master of Laws sa Yale University sa New Haven, Connecticut, USA.

Ang dedikasyon ni Gozon sa kanyang mga tungkulin sa GMA Network ay nagbunga ng mga panibagong kwento na sumasalamin sa Kapuso audiences.

Ang Vice President for Corporate Affairs and Communications ng GMA Network na si Angela Javier-Cruz ang nagnomina kay Gozon para sa IABC 2024 COTY Award na sumasalamin sa bukod-tangi at personal na istilo nito sa komunikasyon na nalampasan ang ethical practices.

Si Gozon ang ikatlong consecutive winner mula sa Pilipinas na nagwagi ng IABC Asia Pacific COTY Award sa Executive Leader Category.

vuukle comment

ATTY. FELIPE L. GOZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with