^

PSN Showbiz

Sikat na aktor, malala ang takot sa insekto

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Naimbitahan ang isang sikat na aktor na nagbibida na rin sa pelikula at TV sa isang malayong probinsiya.Kinailangan pang bumiyahe by land ng aktor at mga kasama kaya bago nakarating sa probinsya.

Halos gabi na nang maka-check in sila sa isang parang lumang villa pero maayos naman ang hitsura.

Pagod halos ang lahat sa biyahe. Patulog na nang bigla silang may narinig na mahaba at malakas na tili mula sa room ng aktor, huh! Pinuntahan siya ng isang staff ng production!

Nakita ang aktor na takot na takot dahil sa insektong nakita sa loob ng tinirhan niya! Takot pala siya sa kahit anong insekto at kailangang may magtanggal pa nito sa tinitirhan!

Eh nalalaman ang tunay na kulay ng aktor kapag out of town or out of the country dahil nagagawa niyang tumili nang tumili, huh!

Pero pagdating sa Manila, lalaking-lalaki ang aktor na ang hilig ay lalaki, huh!

IBANG KAPUSO, ABSENT SA STATION ID

Maraming walang Kapuso stars sa bagong station ID ng GMA Network na nilabas last Friday.

Kaya naman mas nauna ang mga tanong kesa sa papuri sa bagong station ID, huh!

Siyempre pa, ang GMA Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng pambungad sa ID. Walang reklamo ang lahat diyan!

Ayaw na naming sabihin kung sinu-sinung Kapuso stars ang wala! Panoorin ninyo para malaman!           

vuukle comment

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with