Kasagsagan ng pandemya sa bansa nang pakasalan ni Rafael Rosell si Valerie Gomez Chia. Ayon sa aktor ay minabuti nilang kanselahin ang wedding ceremony dahil sa pinsalang dulot ng COVID-19 noon. “It’s a tough job. It’s something that we decided no’ng 2020. We signed a paper just between us no’ng April 20, 2020, very quiet and that’s our favorite number talaga. We wanted 4-20-2020, since that’s special date, special number for us. Nagkataon lang talaga na nagka-COVID at pandemic no’ng time na ‘yon. But we decided to still push through all the way until April. Naka-on pa rin ‘yung wedding invitation, until we decided mid-April to cancel na talaga kasi naka-mask na lahat, extreme lockdown. So hindi na namin tinuloy ‘yung ceremony but the signing of the papers, tinuloy,” pagtatapat sa amin ni Rafael sa Fast Talk with Boy Abunda.
Nagpaplano pa rin ang mag-asawa na isagawa ang seremonya ng kasal sa mga susunod na buwan o taon. “Yeah, eventually. Kasi na-realize din na namin na ‘yung ceremony is for everyone. For us, we’re happy the way it is talaga. So I think we owe them pakain,” dagdag ng aktor.
Para kay Rafael at talagang kakaiba ang kanilang relasyon ng misis. “We have a very different dynamic. ‘Yung sinabi ko kasi dati, it used to be so easy for me to just bitawan ‘yung ‘I love you’ na three words sa mga partners ko. Pero dito sa relationship ngayon, parang ang hirap sabihin ng totoong nararamdaman mo. Like when you feel something intense, ang hirap sabihin sa totoong buhay kasi totoong-totoo eh. So between us, we don’t usually say ‘I love you.’ Parang alam ko na eh without her saying eh. Kasi sa amin nabanggit namin at least once or twice, pero alam mo ‘yon, nakakahiya,” natatawang pahayag ng aktor.
“We’re very expressive, very malambing, deep inside we barely have to express it because we know na kasi eh, so it’s weird. Kasi dati no’ng na-in love ako, ‘Hey! I’m in love, such a great feeling.’ Pero when I realized I was in love with her, oh no, ‘Guys, I think I’m in love. This is gonna be hassle.’ Alam ko na isa-sacrifice ko ‘yung kaligayahan ko para sa kanya. ‘Yung mga kagustuhan ko alam ko na mas ibibigay ko sa kanya. So, mas hassle talaga kasi love mo na eh. Kasi you got my heart eh, wala ako magawa. Love is such a difficult force to fight against. When you want to give something, when you want to give your whole heart, it’s so tough not to do it when you’re in love,” pagdedetalye pa niya.
Samantala, simula ngayong Lunes ay mapapanood na ang Widows’ War na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Carla Abellana. Kabilang din si Rafael sa bagong serye ng GMA Network. Para sa aktor ay kakaibang karanasan na makatrabaho si Bea sa isang proyekto. “Well, para sa akin kasi tito boy, I’ve experienced with every leading lady different talaga. Different dynamics, different chemistry, different ugali. This one, may naudlot kasi kaming project ni Bea Alonzo. So ngayon it’s coming to fruition. I’m just super happy na it’s Widows’ War talaga. Makikita mo ‘yung dynamics namin doon, kung paano namin ipo-portray ‘yung dalawang buhay na nag-separate,” pagbabahagi ng aktor.
Aminado si Rafael na nakaramdam ng pagkailang noong unang makatrabaho si Bea. Ginawa raw ng aktor ang lahat ng makakaya upang makipagsabayan sa galing ni Bea sa pag-arte. “She’s very, very professional and ang lalim. Ang lalim ng acting niya. I really had to take dig talaga para lang ma-match ‘yung intensity ng mata ni Bea. It was quite a challenge but siguro magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako na-intimidate at first. Pero eventually we adjusted to each other’s energy. And I think what we’ve created, some kind of a good chemistry,” kwento ni Rafael.
(Reports from JCC)