^

PSN Showbiz

Dominic, inaliw ang sarili sa ‘sports’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dominic, inaliw ang sarili sa �sports�
Dominic Roque
STAR/File

Pebrero nitong taon lamang nang pumutok ang balitang nagkahiwalay na ang magkasintahang sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Matatandaang Hulyo noong isang taon naganap ang wedding proposal ng aktor sa dalaga. Nagpapasalamat si Dominic sa suportang ipinararamdam sa kanya ng pamilya at ilang malalapit na kaibigan pagkatapos ng halos tatlong taon nilang relasyon ni Bea. “Work of course. Family and friends, ‘yon lang naman, may ginagawa. Ate Juday (Judy Ann Santos), she has always been there for me, all the time, friends. Inano ko ‘yung sarili ko sa sports,” nakangiting pahayag ni Dominic sa ABS-CBN News.

Noong Martes ay naibahagi ng binata sa Instagram ang video ng kanyang baptism na ginanap sa Favor Church Manila kamakailan. Malaki ang naging bahagi ng magkasintahang sina Cristine Reyes at Marco Gumabao sa ginawa ni Dominic. “Overflowing with love and faith alongside my closest friends in the church that feels like home. Grateful for the community, the pastors, and the journey of worship. Thank you, Pastor James. Love you @gumabaomarco and @cristinereyes,” caption ng aktor sa IG post.

Katya, sinusubukan ang lahat para magkaanak

Enero nitong taon lamang nang ibahagi ni Katya Santos sa publiko ang tungkol sa kanilang engagement ng non-showbiz boyfriend na si Paolo Pilar. Ngayon ay nagpaplano nang magkaroon ng anak ang magkasintahan sa pamamagitan ng IVF o In Vitro Fertilization. “Right now IVF, Tito Boy. We’re trying to have a baby. It’s been very, very challenging. Emotional, mahirap po. Also, the career, so I have to stop. It’s not painful but I think ‘yung gastos po ‘yung painful. It’s very draining physically, mentally, emotionally and financially,” nakangiting pahayag sa amin ni Katya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Bukod sa naturang procedure ay labis umano ang ginagawang pagdarasal ng magkasintahan upang makabuo na ng pamilya. “Nag-alay na po ako ng itlog sa Sta. Clara, then kay St. Pio of course. Then every Wednesday nagsisimba po kami sa Christ the King. Hindi ko pa po napupuntahan ‘yung Pink Sisters. Marami pa po kaming pupuntahan. Gusto po naming puntahan ‘yung Obando,” dagdag ng aktres.

Matatandaang unang sumikat si Katya bilang child star noon sa programang Ang TV. Lalong sumikat ang aktres nang ipakilala bilang isa sa mga miyembro ng Viva Hot Babes. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Katya na mabansagang ‘bold star’ dahil sa mga pinagbidahang sexy films. “’Yung ‘bold star,’ I think for me we’re actresses. It’s just that maybe that time, ang Philippines hindi pa ready compared sa Hollywood. Sa Hollywood when you’re an actress and you need to be naked, hindi ka tatawaging bold star. ‘Yon lang ‘yung masakit minsan, ‘Oh bold star ka lang!’ Hindi n’yo ba alam na hindi gano’n kadali maging naked onscreen? It takes courage, will power na maghubad ka in front of someone. Real talk, fame of course. Because if you are famous, dire-diretso na ‘yung work mo. Naging stepping stone lang siya para magkaroon ka pa ng more projects,” kwento ng Viva Hot Babes member.

Kahit nagpaseksi noon ay talagang maipagmamalaki umano ni Katya ang kanilang grupong kinabibilangan nina Maui Taylor, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, Sheree at Andrea del Rosario. Hanggang ngayon ay magkakaibigan pa rin ang lahat ng miyembro ng Viva Hot Babes. “Proud ako sa aming lahat. Everybody came sa maaayos na family. Well-educated talaga lahat, may breeding, may manners. Kumbaga, lumaki kami na may nagtuturo sa amin. Sobrang saya, hanggang ngayon para kaming magkakapatid, Tito Boy. As in pwede kaming magkasama buong araw mag-uusap, magtatawanan,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with