^

PSN Showbiz

Robin, ilalaban si Gringo sa MMFF!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Robin, ilalaban si Gringo sa MMFF!
Robin at Gringo
STAR/File

Si Sen. Robin Padilla na ang napiling gaganap sa biopic ni Gringo Honasan, na ipo-produce ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

Noon pa man ay gusto raw talagang gawin ni Sen. Robin ang ganung pelikula na tumatalakay sa buhay ng mga ‘bayani.’

Ginagawa rin niya ang Marcelo H. del Pilar at ang Bad Boy 3, at maisasantabi muna ito dahil next week ay sisimulan na raw nila itong pelikula ni Gringo.

Kaya namomroblema na raw ang production ng unang pelikulang ginagawa niya dahil masisira ang continuation nito.

“Ito pinag-uusapan na namin, baka magupitan ako yata.

“Nagtatalo pa nga ang dalawang producer,” pakli ni Sen. Robin.

Nagawa ni Sen. Robin ang buhay ni Sen. Bato dela Rosa at ginawa rin niya ang 10000 Hours na tumatalakay rin sa pinagdaanan ng dating Sen. Panfilo Lacson.

Malaking challenge ito sa kanya, dahil iba siyempre ang tatalakayin ng pinagdaanan ng dating Sen. Gringo.

Sabi naman ni Gringo, gusto lang daw nilang ipalabas ang pelikulang ito na sana ma-consider sa Metro Manila Film Festival.

Kung ano man daw ang plano niya sa 2025 elections, bahala na kung magagamit ang pelikulang ito.

Willing naman si Sen. Robin na iendorso si Gringo kung ano man ang kanyang plano sa pulitika.

Willing din siyang sumuporta sa iba pang kaibigang may balak din sa 2025 elections kagaya nina Phillip Salvador, at ang mag-aamang Duterte.

Pero ang sabi pa ng actor/politician, ang gusto lang daw nila sa pelikulang ito ay maihayag ang ipinaglalaban nila sa rebolusyong hinaharap natin ngayon.

Aniya; “Itong pelikulang ito ay continuation…continuation ito ng mga sakripisyo ng mga bayani natin noon. Si Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna, Goyo. Eto po ‘yung sa panahon natin.

“Sabi nga ni direk (Abdel Langit), maraming ginawa sa panahon na yun. Eto sa panahon natin.

“Ito ay hindi po ito pulitika. Kung nami-misinterpret nyo kami na ito ay ganito, para sa ganun, hindi po.

“Sa totoo po, kayamanan po ang pelikulang ito. Kailangan po natin ito namnamin. Sapagkat ‘yung tao na hindi nyo alam kung saan ka nagmula, kailangan nyo malaman kung saan ka pupunta.

“Ito ‘yung pag-direct sa atin kung saan ang susunod nating hakbang. Kasi hindi pupuwede na ang salitang pagbabago ay puro salita.

“Sabi nga ni Sir Greg (Honasan), work hard. Papano tayo magwo-work hard kung wala tayong susundan. Ito pong pelikula sana po ay panoorin ninyo, at ‘pag mapanood ninyo ito ay alam na natin kung ano ang susunod na kabanata.”

Andrew E, first time sa solo major concert

Sa mahigit 30 taon ni Andrew E sa music industry, ngayon pa lang siya magkakaroon ng solo major concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa Dec. 11.

Marami pa naman ang nagsa-suggest kay Andrew E na dapat ay mag-Araneta Coliseum na siya, pero dito na muna sila sa mas maliit na venue

Ang producer nito ay Ticket1 ni Mr. Jonathan Wee na bongga raw ang production budget, lalo na ang talent fee ng beteranong rapper.

“On behalf of Ticket1 siyempre, the convincing factor that Ticket1 gave me, was so high,” sabi pa ni Andrew E.

Saad ni Jonathan Wee, “Tipong you know, money is very immaterial to anything, that’s first, ‘di ba?

“Lalo na kung ang offer mo is such a welcome offer na you know, I can do whatever I like. Mapa-concept-wise, mapa-gimik-wise.

“Well, puwede ba nating aminin, sila ‘yung unang you know, sumampa sa akin.

“Pagkakasundo na, ‘Let it all have it, Andrew. Let it all have it.”

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with