Jed, may sariling classroom na!

Jed Madela
STAR/File

What does it take para ipangalan sa iyo ang isang section ng isang school?

Isang karangalan talaga para kay Jed Madela na i-honor siya at ipangalan ang classroom sa Grade One ng Albert Einstein School.

Naramdaman niya talaga ang importansya niya at halaga bilang artist at bilang tao.

Sabi niya, “In times when I feel so unimportant and ignored in one corner, my Lord picks me up and gives me the tightest hug.”

Lalo ngayong self-managed na si Jed, mapapatunayan kaya niya na kaya niyang punuin ang self-produced Welcome To My World concert niya sa Music Museum sa July 5? Sana.

Interesting ang listahan ng mga Pilipinong binigyan ng naturang school ng sariling section ha. Mula nursery hanggang Grade 12 ay ipinangalanan nila sa “Filipino artists with positive contributions to the country and gained international recognition.”

Grade 12 - Maria Ressa

Grade 11 - Hidilyn Diaz

Grade 10 - Lea Salonga

Grade 9 - Carlos Romulo

Grade 8 - Benigno Aquino Jr.

Grade 7 - Manny Pacquiao

Grade 6 - Cecile Licad

Grade 5 - Lisa Macuja

Grade 4 - Jaclyn Jose

Grade 3 - Brillante Mendoza

Grade 2 - Michael Cinco

Grade 1 - Jed Madela

Kinder A / Nursery A - Olivia Rodrigo

Kinder B / Nursery B - Carlos Yulo

May hinahanap ba kayong pangalan na iniidolo n’yo na dapat kasama sa listahan? Sino pa kaya sa mga kababayan natin ang deserving na parangalan ng sariling section, any more suggestions?

Dagul, kinakapitan sa bulilit

Wala na si Dagul sa Goin’ Bulilit na magsisimula sa July 1? Bakit?

Although may kumakapit pa rin sa nostalgia, understandable naman dahil bagong generation naman na ito ng mga batang ibi-build up. At kung may bagong little person ang ma-discover, ok yan, at least patuloy ang pag-i-empower sa mga kapatid nating susunod sa yapak ni Dagul.

Nakakataquote:

“Never mind the hurt. Never mind the pain. What doesn’t kill us makes us stronger, right? And that’s my mind set now. And as what they say, “DEDMADELA sa nega.” Go with the flow and continue to make people happy.” – Jed Madela

Show comments