Ang pinakahuli kong media organization na naging miyembro ako ay ang Western Po-lice District Press Corp (ang luma! Manila Police na ‘yan ngayon!) Ito ‘yung nagsisimula palang ako sa Media bilang TV Police Reporter ng RPN9 (sinaunang panahon!) Nung mapunta ako sa entertainment world, hindi ako napasali sa anumang grupo. (baka ayaw nila sa’kin?!) Feeling ko naman may mga kaibigan naman ako sa bawat samahan na meron ang showbiz, kaya ok lang sa akin. (unless i-deny nila ako!)
Noong nakaraang buwan, naimbitahan akong sumali sa Multimedia Press Society of the Philippines o MMPRESS, bilang ang mga co-hosts ko sa Marites University ay mga officers dito. (so aarte pa ba ako?!) Si Jun Nardo ang Chairman, si Ambet Nabus ang President at si Rose Garcia ang Vice President. (so malamang ako ang muse!) Ilan pa sa opisyales nito ay sina Joseph Gonzales (Secretary), Diego Dequino (Asst. Secretary), Lito Maniago (Treasurer) at Glenn Regondola (Auditor). Members naman kami nina Jimpy Anarcon, Lendl Fabella, Romina Austria, Arniel Serato, Leah Salterio, Nitz Miralles at Nora Calderon. Adviser naman sina Noel Ferrer at Lito Zulueta. Syem-pre alam ko namang maganda ang hangarin ng grupong ito kaya join ako. (‘di naman ako masyadong uto-uto!)
Ang MMPRESS ay ang dating ENPRESS o ang Entertainment Press Society of the Philippines. “Kami po ay nangangako sa pagbuhay muli ng award giving body na ito ay may advocacy na kasama. Kasama na rito ang health, education at tourism. Pinalawak na rin namin ang membership kasi multimedia na nga sya. Hindi lang sya nag-po-focus on television and film,” paliwanag ni Ambet. (pero bawal daw starlet. Chos!)
Dagdag ni Jun: “Kasama na dyan ang online, digital, teatro, sports at music. SEC registered kami. Relevant na kami sa time, sumusunod na kami sa panahon.” (taray nung relevant ha!)
Kamakailan ay nanumpa ang mga officers at members kay Department of Finance Secretary Ralph Recto sa mismong tanggapan nito. (kami na ang may sinasabi sa lipunan!) “Hindi na kayo bago sa’kin. Most of you, I know already because of my wife (Vilma Santos).
Maraming salamat for all that you do for my wife,” paglalahad ni Secretary Recto. (Vilmanian po ako, sir!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patre-on: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com