^

PSN Showbiz

Andrea, walang kamalay-malay sa bagong kalaban

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Andrea, walang kamalay-malay sa bagong kalaban
Andrea Brillantes

Nabigla ang netizens sa pasabog na rebelasyon ng karakter ni Dimples Romana na si Tori - na isa pa lang kontrabida na balak sirain ang buhay ni Sky (Andrea Brillantes) sa High Street, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Habang misteryo pa rin ang totoong identidad ni Tori kina Sky at ng nanay nitong si Tania (Angel Aquino), itutuloy pa rin ni Tori ang bait-baitan niya pero sasagarin na niya ang masasama niyang plano laban kina Sky matapos mabulgar na si Tori pala ang mastermind sa likod ng pagtakas ng kriminal na si William (Mon Confiado).

Bagama’t hindi pa sigurado kung ano ang totoong relasyon nina Tori at William, ipinasilip na kung paano dahang-dahang gagawing miserable ni Tori ang buhay ni Sky sa tulong ng mga kasabwat niyang sina Wesley at Nikki (Harvey Bautista at AC Bonifacio). Sinimulan na nga ni Tori ang pagpapahirap kay Sky dahil siya rin ang nasa likod ng pagdukot sa kapatid nitong si Z (Daniela Stranner).

Mukhang mababaon din sa utang na loob si Tania kay Tori dahil hihiram si Brandon (Kean Cipriano), ang jowa ni Tania, ng malaking halaga ng pera mula kay Tori para mabayaran ang utang niya.

Mapapanood ang High Street gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

ACTRESS

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with