Jed, naalala ang sarili kay Stell

Jed Madela

TUMANGGING makipag-showdown si Jed Madela kay Stell ng SB19 tho positibo niyang tinanggap ang pagkukumparang ginagawa ng netizens sa kanila.

Sa mediacon kahapon ng 47th birthday concert niyang Welcome to My World na ginanap sa Tipsy Pig, Timog Ave., QC, nilinaw ng WCOPA grand champ na mas ok kung collaboration ang gagawin nila ni Stell para hindi maging mitsa ng awayan ng fans.

Nakarating din sa kanya ang reaksyon ng ina ni Charice na katimbre ng boses niya si Stell, na instant favorite sa katatapos na David Foster concert dahil sa pagbirit ng All By Myself nito.

“Oh, yeah, he’s amazing! He’s very, very good! Ang galing ng range niya, grabe! Grabe ‘yung range niya, I remember myself 20 years ago, hahaha! Ganundin, but you know, I’m just so happy that there are more avenues for artists like Stell. Kasi dati, ‘pag sinabing balladeer, kailangan Martin Nievera-sounding, Gary V- sounding, ‘di ba?

And now, we have a lot of, you know, nagiging diverse na ‘yung sound ng balladeer ngayon. So, yeah, I watched his performance sa David Foster concert, ang ga­ling! I watched his performance sa, I think he guested in Erik Santos’ concert in the US.

“Tuluy-tuloy na ‘yan kasi he’s very good. And as long as, you know, you really stick to your core, tuluy-tuloy ‘yan,” pahayag ng Kapamilya singer.

Paliwanag ng singer sa mina-manifest na showdown nila, “Collab na lang, wala nang showdown-showdown. Ito kasi, it’s just so funny kasi, you know, we have this tendency of pitting artists against each other na, you know, sinong mas magaling, sinong mas mataas ang boses, sinong mas pogi, sinong mas payat.

Dagdag niya pa: “It all ends up with everybody fighting, ‘di ba? so if it’s going to be a collaboration for something beautiful and everybody will enjoy, the fans of Stell, the fans of Jed Madela will enjoy, mas masaya, di ba? Kesa, ‘eh, mas magaling si Jed sa part na ‘yon,’ ‘mas magaling si Stell sa part…’ it’s just going to be the negative effect sa mga fans, mag-aaway-away. So, ako, as much as possible, I just want everybody to be at peace. Mag-enjoy tayo, let’s… you know, kasi at the end of the day, ‘yung bashing, pag-aaway, wala ring kapupuntahan. May masasaktan lang, may masasaktan. So, collaboration would be a good idea.”

Original material naman ang gusto niyang pagsaluhan nila ni Stell sa performance.

“Somebody has to, you know, write an original song that’s going to be tailor-fit for our voices. Kasi, oo, mataas boses naming dalawa, but it’s not the same. I mean, iba ‘yung quality ng boses ni Stell, iba rin ‘yung akin. So, it has to be tailor-fit for our voices. But ‘pag cover, siguro… All by Myself? Hahaha! Nagulat nga ako, binalik nila ‘yung All by Myself ko sa ASAP nu’n, eh. Ni-resurface na naman. Siyempre, may nagdikit na naman, kinompare, ayan na, nagsimula na naman ‘yung away. Com’on guys!” pagdidiin ni Jed kahapon sa interview.

Twenty years na siya sa music industry pero aminado siya na hindi niya inasahan ang mga nangyayari sa career niya sa loob ng mahabang taon na ‘yun.

Tulad na nakaka-duet niya sina Martin, Regine Velasquez, Lea Salonga, atbp.

Hindi raw niya inakala na makakasabay niya sa isang stage ang mga iniidolo niya mula bata siya.

“Du’n sa mga hindi nakakaalam, it was never a plan for me to get into showbiz. Hinahangaan ko lang itong mga ito, sina Sir Martin, Miss Regine, Miss Lea, everybody. But for me to be sharing the stage with them, hanggang ngayon, nagpa-fanboy pa rin ako. I still get startstruck and whenever they say things like that, eyyy, nakakahiya! I’m very, very happy that they’re not just my idols, but they’re also my friends,” kwento pa ni Jed sa mga kausap na entertainment press kahapon.

Samantala, bilang paghahanda sa Welcome to My World birthday concert na gaganapin sa Music Museum sa July 5, mas conscious sa siya sa kanyang health.

Ayon sa singer, everyday ay nagpapapawis siya.

Wala na man siyang hindi kinakain pero mai­ngat na siya sa mga pagkain.

 

Show comments