Napapanood na ngayon sa YouTube channel ni Gretchen Ho ang ‘Beyond The Board’ na tampok si Margielyn Didal. Layunin umano ni Gretchen na mas makilala ng publiko ang Olympian at marami pang atletang Pilipino sa mga ginagawang documentary film. “The stories of our athletes deserve a platform. They deserve to be heard. Sinusubukan naming ikwento is the other side of sports even if it looks fancy. We wanted to show the lack of what somebody like Margie needs. Marami pa tayong haharapin because it’s not easy. Hopefully through this film, hopefully we can see possibilities,” makahulugang pahayag ni Gretchen.
Bukod sa pagiging host ay si Gretchen din ang nagsisilbing writer at producer ng naturang documentary film. “The challenge was, ‘How do you tell the story?’ Kung titingnan mo simple lang ‘yung istorya, ‘yung injury. Paano gagawing exciting ‘yon? Iyon ‘yung challenge namin. How to add music? How to add suspense? How to use the power of visuals, the throwback videos and soundbites,” pagdedetalye ng TV at online host.
Matatandaang unang nakilala si Gretchen bilang isang volleyball player. Masarap umano sa pakiramdam na nakagagawa ng magandang materyal dahil na rin sa tulong na kanyang buong production team. “I’m a learner. I’m very happy with good team. I did a lot of the work but they also did a lot of the work. ‘Yung fulfillment na nakukuha ko kapag nakikita ko talaga ‘yung story na nabubuo. Kasi nanggigigil ako kapag walang magic ‘yung kwento ko, ‘yung audio and video, ‘yung pagkalatag ng video. I feel like I always need to do justice kasi kapag nagsasayang kami ng oras. Kahit nagpupuyat kami nang sobra-sobra pero kapag nabuo na ‘yung materyal, iba. Iba ‘yung feeling,” pagtatapos ng dalaga.
Little Giant, rekomendado ni Coco
Mapapanood na simula July 1 ang bagong Goin’ Bulilit ng ABS-CBN.
Bahagi rin ng naturang kiddie gag show si Little Giant. Napapanood tuwing gabi bilang si Oweng sa FPJ’s Batang Quiapo ang baguhang aktor.
Si Coco Martin umano ang nagrekomenda kay Little Giant upang mapabilang sa bagong programa ng Kapamilya network. “Ni-recommend po ako, tinawagan ako ni Direk Coco. Then sabi po niya, ibibigay niya nga raw po ‘yung number ko kay Direk Bobot (Mortiz). Si Direk Coco po talaga ang naging daan. Hindi ko ma-explain na ito magagawa ko. ‘Yung ganito na makakapasok ako ng showbiz na dati hindi ko naman talaga inasahan na makakapasok ako dito. Pero ngayon nandito na ako dahil sa kanya,” kwento ni Little Giant.
Maaaksyong mga eksena ang ginagawa ng baguhang aktor sa seryeng pinagbibidahan ni Coco. Kinailangan umanong paghandaan ni Little Giant ang pagpapatawa ngayon para sa bagong comedy show. “Yes, merong adjustment po na nangyari. Kasi doon sa ‘Batang Quiapo’ puro action po ang ginagawa namin then lumipat po ng comedy. Kahit action o comedy okay na okay po ako doon. Siyempre nagpapasalamat po ako kasi nakapasok po ako dito sa big program. Sobrang thankful po talaga,” pagbabahagi niya. — Reports from JCC