Pnoy, naalala sa tensyon sa China

Noynoy Aquino

Grabe, parang kelan lang. Kahapon pala ay 3rd death anniversary na ni ex Pres. Noynoy Aquino.

Kaya’t naalala ng mga Pilipino kung paano iginiit ni dating pangulo ang mga karapatan ng bansa sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas sa paggunita sa anibersaryo ng kanyang kamatayan sa gitna ng kasalukuyang tensyon sa lugar kasunod ng panghihimasok ng China.

Si Noynoy, na kilala rin bilang PNoy, ay namatay noong Hunyo 24, 2021 sa edad na 61.

Teka kumusta na kaya si Kris Aquino.

Wala na akong gaanong naririnig sa kanya.

Kumusta na kaya ang kalagayan niya sa kasalukuyan?

Inside out 2 may pa-promo sa manonood

Bongga ang pelikulang Inside Out 2.

Pila-pila raw ang mga nanonood.

Kaya naman ipinagdiriwang ng Globe ang pagpapalabas sa mga sinehan ng Disney at Pixar movie sa pamamagitan ng Family Feels Grand Raffle Promo.

Mayroon nga silang exclusive activites upang magsasama-sama ang mga pamilya at kaibigan upang lumikha ng core memories sa pamamagitan ng isang hindi malilimutang karanasan sa pelikula, na nag-aalok ng pagkakataong manalo ng mga libreng tiket sa Hong Kong Disneyland habang tinatangkilik ang isa sa pinakamalaking animated na pelikula ng  taon.

Para makasali sa promo, customers must complete any of the eligible paid transactions in the GlobeOne app between June 19 and July 10, 2024. Eligible transactions include GFiber Prepaid sign up, GFiber Prepaid top up, any Globe Prepaid top up, any Globe Postpaid add on, and redemption of the Family Feels Reward from the Rewards catalog (visit the Globe Facebook page for the complete mechanics).

Bongga.

Sana manalo ang apo kong si MJ.

‘Yan ay kung gusto niyang manood sa sinehan.

Show comments