TF ng mga artista, walang pag-asang madagdagan

May oil price adjustment na naman ngayon, kaya ang tanong ng ibang mga artista ngayon, may dagdag din kaya sa mga talent fee nila?

Kalakaran na kasi na kung ano ang nakalista mong TF noong huli ay ‘yun na ang ini-honor na TF mo, unless may pending request depende sa discretion ng mga boss. But with the rate networks and prod companies are earning (or not earning) now, medyo hinay-hinay talaga ang pagtaas ng talents fees.

If you notice, ang dami nang dating network contract artists na hindi na nirerenew with guaranteed incomes. Karamihan sa kanila ay on a per project basis na lang. Kaya ba malayang nakakatawid na ang mga artista ngayon ng mga network at film companies?

Ganu’n na nga yun! Bibihira na talaga ang mga exclusives stars. Bakit pa, di ba? Unless worth it at super hot ka talaga! Pero meron pa bang ganu’n ngayon, aber?

Leila, ‘nakaganti’ na kay Harry

Acquitted na si Leila de Lima sa lahat ng drug cases na inihain sa kanya. Cleared na siya sa mga kaso pero grabe ang pagpapahiya sa kanya noon.

Ano kaya ang masasabi ng kampo ni Harry Roque ngayon na siya naman ang nasasalang sa publiko sa pagtatanggol ng paggamit ng public funds para sa Mr. Supranational? Ano kaya ang masasabi ng mga tagasubaysay ni Ronnie Liang sa inasal ng dating Malacanang Spokesperson?

Bilog ang bola sabi nga. God bless them all lalo na sa mga nagpahiya kay Leila de Lima.

Da Cosmes, hanggang social media lang

Tuluy na tuloy na ang Da Cosmes na reunion project ng mga taga - Home Along Da Riles. FB Live muna sa June 24. Bakit hindi actual show sa TV? Or pang social media content lang muna ba bilang test market? With such a stellar cast with Nova Villa, Claudine Baretto, Vandolph, Boy2Quizon, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Maybelyn dela Cruz, Jenny Quizon, Dang Cruz and Cita Astals, paano kaya tatanggapin ito sa social media platform?

Parang goodwill production muna ito hangga’t may income at kumikita na malamang, ‘di ba? Iba na talaga ang kalakaran ngayon, it takes time bago mamonetize lahat. Pero kung compelling naman ang content, mabilis na babalik ‘yan!

Good luck sa mga Cosmes! Buti hindi sila nagkaproblema sa rights sa ABS-CBN!

Dalawang John, ’Di pa nagkakatrabaho

Birthday nina John Lloyd Cruz at John Arcilla kahapon! Dalawang John na kilalang magagaling na aktor. Kailan kaya natin sila makikitang magsama sa isang magandang pelikula? Baka si Erik Matti ang makakagawa noon since siya rin ang nagpanalo sa kanilang mga Best Actor awards nila sa iba’t ibang festivals. Maligayang kaarawan sa mga John!

Nandito lang kami para sumuporta sa inyo. Sana nan-john lang kayo lagi, lumilikha ng magaganda pang obra ng sining para sa mga Pilipinong umiidolo sa inyo!

Nakakataquote:

“You support a trans, and bash another trans because of what? Birit? Yun lang? Make it make sense sis. Hater. Being a transgender is more than just singing high or low notes. And the audacity of you to deadname me and properly call Ice [Seguerra] his real name. What a joke.” — Jake Zyrus

Show comments