Ipinakikilala ng KonsultaMD ang makabagong health plan na nagbibigay sa common-law partners at same-sex couples ng komprehesibong healthcare.
Sinusunod ng Partner Health Plan ang inclusive approach sa pamamagitan ng pagsiguro na makatatanggap ang common-law at same-sex couples nang sapat na pangangalaga sa kalusugan. Nakahanay ito sa pangako ng KonsultaMD na gawing mas accessible, reliable, and affordable ang healthcare para sa lahat ng Pilipino.
Handog ng Partner Health Plan ang isang kumpletong pakete ng benepisyo kasama ang 30 video consultations with a General Practitioner at unlimited voice consultationsw, na available 24/7.
Ang plan ay valid hanggang dalawang miyembro: ang primary account holder at isang dependent, na nagbibigay sa mga magkarelasyon ng pagkakataong tiyakin na nakatatanggap din ng tamang pangangalaga ang kanilang karelasyon.
Simple at madali lamang ang pag-subscribe sa Partner Health Plan sa pamamagitan ng KonsultaMD app, na available sa Google Play, App Store, at Huawei AppGallery.
Kinakailangan lamang i-download ang app, pumunta sa “My Account,” piliin ang “Subscriptions and Packages,” at pumili ng “Partner Annual Plan.” Pagkatapos mag-subscribe at magbayad, maaari na nilang idagdag ang kanilang partner bilang dependent, upang makasigurong makatatanggap pareho ng mga benepisyo ng plan.