Michelle, ‘di pabor sa pagpapaseksi ni Enzo

Michelle Vito.
STAR/ File

Apat na taon nang magkasintahan sina Michelle Vito at Enzo Pineda. Maraming mga pagsubok na rin ang nalampasan ng dalawa sa mga nakalipas na taon. “Of course, in any relationship may ups and downs naman ‘yon. Can’t say naman na perpekto ako. May mga times na may kasalanan ako and naiinis si Michelle. I usually hang out with my friends, minsan may inuman. Napag-aawayan because I go home later than usual,” pagtatapat ni Enzo sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Naranasan na ng aktor na magpaseksi sa pelikula. Ngayon ay pinagbabawalan na raw ni Michelle si Enzo na muling sumabak sa pagpapaseksi. “’Yung sexy na ‘yon was a bit daring than what we define as sexy. But probably Tito Boy, I was very explorative that time as an actor. Love scenes, you won’t consider yourself as an actor kung hindi ka open sa gano’ng klaseng mga roles or project. For me, you have to experience at least once as an actor. That’s what acting is all about, exploring life,” giit ng binata.

Samantala, naibahagi ni Enzo na naranasan nang maloko noon ng dating nobya. Sobra umano ang tiwalang ibinigay ng aktor sa dating kasintahan. “Let’s say ‘yung ex ko may friend na lalaki. They get to hang out hindi ko alam na ‘yon na pala ‘yung date nila. Hindi ko siya nilalagyan ng malisya dahil may tiwala ako. ‘Di ko rin nakita na there’s something happe­ning na pala, na hindi ko alam.  So eventually umamin din sa akin. Nakipag-break muna sa akin tapos umamin sa akin after,” kwento ng aktor.

Ryza, matagal nang pangarap makalbo

Nagpakalbo si Ryza Cenon para sa pelikulang Lilim. Ayon sa aktres ay personal niyang dedisyon na magpakalbo para sa naturang horror film. “Hindi naman po siya nire-require. Ako mismo ‘yung nagsabi na magpapakalbo ako. Mas okay siya sa karakter ko. Nag-look test kami, hindi ko trip ‘yung prosthe­tics. Hindi ko gusto ‘yung itsura. Mas makakatulong siya sa karakter ko,” bungad ni Ryza.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong maranasan ng aktres na makalbo. Noon pa umano pinapapangarap ni Ryza na masubukang lumabas sa publiko nang walang buhok. “I wanted to do it when I was pregnant but I was not allowed by Viva. So, I went for a boy cut instead. This time, I really pushed for them to allow me,” pagtatapat niya.

Para kay Ryza ay malaking tulong din sa kanilang production team ang ginawang pagpapakalbo dahil mas mabilis ang trabaho. “Mas mabilis po ngayon lalo na may Eddie Garcia Law. Kailangang lahat mabilis, so makakatulong itong pagpapakalbo ko para mag-save time. Kasi ang prosthetics, kung lahat kami iba-bald cap, hindi lang po mga artista, the talents also. Matagal-tagal po ‘yon kaya nakabawas po ako,” paliwanag ng aktres.

(Reports from JCC)

Show comments