Si Tom Rodriguez ba ‘yung tinutukoy ng blind items na bagong balik na aktor na kinailangang lumipad pabalik sa US para sa panganganak ng kanyang girlfriend?
Abangan natin ang napipintong announcement sa mga darating na araw. Kasabay ng pagsubaybay natin sa pagdadalantao ng isang female star sa kanyang bagong asawa – si Ellen Adarna ba ‘yun ni Derek Ramsay.
Ang saya lang ng mga ganitong balita, ‘di ba?
Mayor Joy, inuna ang kaligtasan sa Pride Night concert!
Super successful ang QC Pride Event 2024 na umabot ng 200k na tao ang nag-participate!
Kudos to Mayor Joy Belmonte sa maganda at maayos na pamamalakad ng event na sana ay magiging yearly na sa Quezon City.
Pinuri rin si Mayor Joy sa maagap na pagdedesisyon at pag-announce na ang Pride Night concert ay hindi na itinuloy because some electrical and sound equipment have been compromised due to the heavy downpour this afternoon.
Tama naman ‘di ba?
Safety muna ng participants at performers at production staff and isinaalang-alang. Paano kung may ma-ground dahil sa mga kuryente at kable na naulanan ‘di ba?
Sana lang, sa susunod na pagkakataon, ok pa rin sina Vice Ganda, Ben & Ben, Juan Karlos, Janella Salvador at marami pang iba na mag-perform!
MMFF, puro pananakot!
From 125 pounds to 109 pounds na lang, from may buhok to shaven kalbo. Talagang primed sa pagpapaka-serious actress si Ryza Cenon. Para ito sa pelikula niyang Lilim, ang horror films with Heaven Peralejo, Eula Valdez, Nicole Omillo, Phoebe Walker, Mon Confiado, Rafa Siguion-Reyna, Gold Aceron, and introducing Skywalker David.
Ito ba ang pambato ng Viva sa Metro Manila Film Fest?
Naku, parang ang daming gumagawa ng horror! Merong ding inihahanda ang horror masters na sina Chito Roño at Yam Laranas kaya exciting ang labanang ito.
Pagandahan na lang talaga!
Parokya Musical, tapos na!
Dalawang plays ang nagtapos kahapon. Isa ay ang super successful na last obra maestra ni Floy Quintos na Grace ng Encore Theater sa PowerMac Spotlight Theater sa Circuit Makati at ang Buruguduystunstugudunstuy na Parokya Ni Edgar music ng Fullhouse Theater Productions sa Newport World Resorts.
Mukhang wala nang repeat pa ang Parokya musical dahil aminin natin, hindi nito naabot ang pagka-in demand ng tickets ng Huling El Bimbo with the Eraserheads music at ang Rak Of Aegis with the Aegis music.
Bakit hindi masyadong kinagat ang Parokya musical?
Ano sa tingin niyo?
Nakakataquote:
“Many of our assets unrelated to storytelling have been or are being sold. Our organization is focused on creating the best content,” sabi ng ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak sa kanilang annual stockholders meeting.
“To date, our programs and movies have regained their prominence with our audiences. And our storytelling talent remains largely intact.
“As we have always done in the past, ABS-CBN will come out of this ordeal better and stronger than before. There is no doubt,” pagtatapos ni CLK - Sir Carlo Katigbak.
Mukhang SkyCable, ang broadband and pay TV arm, at ABS-CBN ang mananatili, ang ibang businesses ay ile-let go na like real estate, livestock, call centers, education, cargo, and theme parks.