^

PSN Showbiz

NCAA Season 99 Cheerleading Competition, eere sa GTV

Pilipino Star Ngayon
NCAA Season 99 Cheerleading Competition, eere sa GTV
Ginanap noong Hunyo 19 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City, nasaksihan sa paligsahan ang near-perfect routine ng AU Chiefsquad, na nagwagi laban sa iba pang mga koponan upang makuha ang kanilang fifth straight NCAA cheerleading crown. Kabilang sa podium finisher ang silver medalist na Altas Perpsquad at bronze medalist na Letran Cheering Squad.

Matindi ang labanan ng mga eskwelahan sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 99 Cheerleading Competition na eere sa GTV ngayong araw, June 23, 10:30 a.m. Mapapanood din ang kumpetisyon sa social media pages ng GMA Sports at NCAA Philippines.

Ginanap noong Hunyo 19 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City, nasaksihan sa paligsahan ang near-perfect routine ng AU Chiefsquad, na nagwagi laban sa iba pang mga koponan upang makuha ang kanilang fifth straight NCAA cheerleading crown. Kabilang sa podium finisher ang silver medalist na Altas Perpsquad at bronze medalist na Letran Cheering Squad.

Sa nalalapit na pagtatapos ng NCAA Season 99, ibinigay ng José Rizal University ang hosting rights sa Lyceum of the Philippines University para sa paparating na NCAA Season 100.

Ang GMA Synergy sportscaster na si Martin Javier at NCAA Season 99 Courtside Reporter Lexi Gonzales ang program hosts ng NCAA Season 99 Cheerleading Competition.

Nakadagdag-aliw naman sa kinasasabikang paligsahan ang kahanga-hangang performance ng Sparkle artist na si Zephanie.

Mapapanood ang NCAA Season 99 Cheerlea­ding Competition sa GTV ngayong Linggo, 10:30 a.m. at huwag palagpasin ang full performances (in order of presentation) ng Mapua Cheerping Cardinals ng Mapua University, AU Chiefsquad ng Arellano University, LPU Pirates Pep Squad ng Lyceum of the Philippines University, Golden Stags Cheerleading Squad ng San Sebastian College-Recoletos, Letran Chee­ring Squad ng Colegio de San Juan de Letran, Altas Perpsquad ng University of Perpetual Help System-Dalta, San Beda Red Corps ng San Beda University, JRU Pep Squad ng José Rizal University, EAC Generals Pep Squad ng Emilio Aguinaldo College, at ang Benilde Blazers Pep Squad ng De La Salle-College of St. Benilde.

Maaaring mapanood online ang streaming sa NCAA Philippines website (www.gmanetwork.com/ncaa), NCAA Philippines Facebook page at YouTube channel, at sa social media accounts ng GMA Sports.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with