^

PSN Showbiz

Igan, ibabalik pa ang pakiramdam

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Igan, ibabalik pa ang pakiramdam
Arnold Clavio.
STAR/ File

Tuloy ang pagpapagaling ng veteran broadcast journalist Arnold Clavio.

May binigay siyang update kahapon.

Aniya sa kanyang last post : “Kuwentong Stroke …  Hindi lang physical therapy ang kailangan para manumbalik sa dati ang lakas ng kanang bahagi ng aking katawan .

“Inirekomenda rin ni Dr. Lyde Alday-Magpantay ang ‘occupational therapy’ (OT) .

“Sa proseso ng OT , sisikapin na maibalik ang sensor o pakiramdam ng aking mga kamay . Dahil sa hemorrhagic stroke , labis na naapektuhan ang aking kanang kamay .

“Sa tulong ni Dave , isang occupational therapist , binigyan niya ako ng mga exercises para bumalik sa normal ang pakiramdam ng aking kanang kamay .

“Kailangan dito ang matinding tiyaga.”

Get well soon, Igan.

Actress, walang malay sa undeclared business ng mister

Walang kamalay-malay ang isang actress sa tunay na ugali ng kanyang mister.

Hindi nga raw alam ni actress na misis ng negosyante na maraming undeclared transaction ang kanyang mister.

May mga ni-recruit daw itong financier para mag-invest sa isang negosyo pero walang maipakitang mga dokumento ng negosyo.

May mga nabiktima na raw itong investor.

Pero ‘yun nga, walang alam ang misis na actress na nag-e-enjoy sa bonggang lifestyle sa kasalukuyan.

vuukle comment

ARNOLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with