^

PSN Showbiz

Young JV at Ronnie, sa MPBL muna!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Young JV at Ronnie, sa MPBL muna!
Young JV at Ronnie

Nagpakita muli ang mga Star Magic artists ng kanilang athletic side sa ginanap na taunang Star Magic All-Star Games noong Hunyo 2, 2024 sa Big Dome kung saan maaksyon ang laban sa volleyball at basketball games.

Sa pangunguna ni Gerald Anderson bilang playing coach, tinapos ng Shooting Stars Red ang dalawang taong sunud-sunod na pagkapanalo ng Team It’s Showtime, at si Young JV ang pinarangalan bilang Most Valuable Player (MVP) ng laro. “Tough love si Ge and good thing naman ‘yun. He’s been a leader to us, talagang pinu-push niya kami,” sabi ni Young JV tungkol sa istilo ng pagco-coach ni Gerald.

Hindi madaling gawin para sa Shooting Stars Red na tapusin ang sunud-sunod na pagkapanalo ng Team It’s Showtime. Ibinahagi ni Young JV ang naging strategy ng kanilang team. “Strategy namin was to stop them from shooting inside. ‘Yun ‘yung strong suit ng Showtime ngayon. We tried not to give that to them,” sabi ng aktor.

Samantala, nanalo naman ang Lady Spikers laban sa Lady Setters sa isang sweep three-set match kung saan napanalunan ni Analain Salvador ang kanyang ikaapat na MVP award. Ngunit hindi rin naman naging madaling proseso ayon kay Analain na makipagtapatan sa Lady Setters.

Sa kabilang banda, ang Shooting Stars Blue ng Star Magic na pinangungunahan nina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte ay nanalo laban sa Anbilababol Basketball team nina Cong at Team Payaman, kung saan si Alonte ang napangalanang MVP.

Ang competition laban sa YouTube vloggers na kilala sa kanilang comedic content, noong una, ay hindi inakala ni Ronnie na magiging seryoso.

Ang Star Magic All-Star Games ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga artista na ipakita ang kanilang talent at skills sa labas ng camera, habang binbigyan sila ng pagkakataon na makipagkaibigan sa kapwa artista.

Patuloy si Young JV sa paggawa ng music para sa ilang mga Star Magic atists. Si Analain naman ay kasama isang darating na acting project, kung saan makakasama niya sina Anji Salvacion, Gelo Rivera ng BGYO, at Brent Manalo. Dapat abangan si Ronnie sa isang pelikula kasama si Loisa Andalio. Bukod dito, mapapanood pa rin sina Young JV at Ronnie Alonte sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

 

BASKETBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with