Rhea Tan, kokoronahan ang susunod na ms. Beautéderm sa BB. Pilipinas 2024

Rhea at Bb Pilipinas candidates

Matapos ang matagumpay na partnership last year, masayang inanunsyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership with Bb. Pilipinas organization.

Proud na sinalubong ni Ms. Rei ang official candidates ng Bb. Pilipinas 2024 sa Beautéderm Headquarters nitong Friday, June 14, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na i-guide ang mga kababaihan sa entrepreneurship at self-care.

Kabilang sa spotted candidates ay sina Bb. Baguio, Bb. Quezon City, Bb. Bacolod City, Bb. Zamboanga City, Bb. Batangas City, Bb. Negros Occidental, Bb. Quezon Province, Bb. Bukidnon, Bb. Cavite, Bb. Pampanga, at Bb. Mandaluyong.

“I hope this partnership will inspire and empower Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin, and whatever career path they choose to be in,” saad ng Beautéderm boss.

Dagdag pa ni Ms. Tan, “Binibining Pilipinas organization has been helping women for so many years. I’m grateful for this partnership, celebrating talented, smart, and beautiful Filipinas. These young women may find inspiration and learnings from what I went through in my business journey. I am willing to share what I can and impart guidance.”

Last May 22 naman nang pumirma ng kontrata si Ms. Rei kasama ang ilang Bb. Pilipinas executives. Kaabang-abang talaga ang partnership na ito dahil isang malaking beauty brand ang Beautéderm.

Inanunsyo rin ng business magnate na ang makakasungkit ng Ms. Beautéderm title ay mag-uuwi ng P500,000 worth of Beautéderm products para sa negosyo at P150,000 cash sa coronation night.

 

Show comments