Ama, anak, nagkasundo sa CIA

Alan, Pia, at Boy

“Maraming problema, mara­ming usaping legal at hindi legal na babalik at babalik ka pa rin talaga doon sa pamilya, sa mga relasyon ng nanay-tatay, tatay-nanay, mga anak at mga magulang, kaya pangalagaan ho natin ang ating mga pamilya.”

Ito ang naging reflection ni Boy Abunda kasama ang co-hosts na sina Alan Peter at Pia Cayetano, sa isang emosyonal na episode ng CIA with BA noong Father’s Day, June 16. Tampok sa episode ang isang nakakaantig na kwento ng mag-ama na matagal nang nagkahiwalay dahil sa matinding abuso.

Sa segment na Case 2 Face, ikinuwento ni Romel ang mga masakit na alaala ng kanyang ama, si Tatay Ronald, na naging abusado mula pa noong bata siya.

Sa kanyang depensa, ipinaliwanag ni Tatay Ronald na lagi niyang hangad ang kabutihan para kay Romel, kasama na ang pagtutol sa part-time job ni Romel na paglalaro ng scatter slots, isang online casino game.

Ipinaliwanag din ni Tatay Ronald na hindi niya sinisisi si Romel sa pagkamatay ng isa pa niyang anak.

Pero hinarap ni Tatay Ronald si Romel at humingi ng tawad sa kanyang anak, inamin ang sakit na dulot niya. Si Romel naman ay humingi rin ng tawad sa kanyang ama sa hindi pagtupad sa mga pangarap ng ama para sa kanya.

Sa pagtatapos ng segment, siniguro nina Alan, Pia, at Boy na tutulungan nila si Tatay Ronald, Romel, at ang kanyang anak na magsimula muli, kasama ang tulong sa kabuhayan at edukasyon.

Pinangungunahan nina Alan, Pia, at Boy Abunda, ang CIA with BA ay ipinapalabas tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA 7, may mga replay sa GTV sa sumunod na Sabado ng 10:30 p.m.

Show comments