^

PSN Showbiz

David Foster, namangha sa boses ni Stell

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
David Foster, namangha sa boses ni Stell
David at Stell
STAR/File

“Wow, what a voice!!!” Yan ang nasabi ni David Foster sa amazing performance ni Stell sa concert na David Foster and Friends Tuesday night.

Stell and Brian Mc­Knight were the highlights of the show, aside of course the music of David Foster!

Sana makatulong ito nang malaki sa ticket sales ng concert nina Julie Anne San Jose at Stell!

At pagkatapos noon, Stell can very well mount a major concert on his own! Eh si Julie kaya? Puwede na rin ulit ng solo concert, ‘di ba? Depende lang kung saan ang venue!

For now, silang dalawa muna sa New Frontier Theater for two nights. Baby steps muna for their producers na medyo feeling their way pa rin sa concert scene.

Kakalungkot… 2 local films, inisnab na naman ng fans

Nagbukas kahapon ang dalawang Filipino films: ang Karma nina Rhen Escaño, Sid Lucero, Krista Miller, Paolo Paraiso and Roi Vinzon at ang Marupok AF (Where Is The Lie) nina Maris Racal, EJ Jallorina at Royce Cabrera – kumusta naman? Nasaan ang audience ng Filipino films?

Kailangan pa bang i-memorize ‘yun?

Promil Kid, yumao sa edad na 36; asawa ni Allan Caidic pumanaw din; Yoyong Magtires, pinagluluksa rin

Nakakalungkot na maliban kay Sir Armando “Bing” Lao, yumao rin sa CJ de Silva na dating Promil Kid at isang creative director.

Tapos, pati ang dating nag-showbiz at naging pulitikong si Yoyong Martires ay sumakabilang buhay pati na ang asawa ni Allan Caidic.

May iba’t ibang sanhi ang kanilang pagkamatay, pero bakit naman sabay-sabay, ‘di ba? Pati nga ordinaryong taong ke babata ay nababalitaang binabawian ng buhay kaya mara­ming nagtatanong – bakit ang dami?

Bakit sa batang gulang pa namamaalam ang iba?

Tanong nila: kMay inalaman ba ang mga kemikal/vaccines na ipinasok natin sa ating mga katawan na hindi sanay rito? Kailangan nga bang mag-detox?

Ito nga ba ang dahilan kung bakit pumanaw ang isang boss sa showbiz daw recently? Napapaser­yosong isip tuloy ang mga tao tungkol sa halaga ng buhay! Bawal stress at sana masaya na lamang, ‘di ba?

Aktor, magiging daddy na!

Totoo ba? After hindi magkaanak sa long time live in partner, aktor isang expectant dad na sa kanyang bagong girlfriend soon?

Parang sampal din ito sa mga naunang nagduda sa kanyang sexuality at pilit siyang inili-link sa kung sinu-sinong kabaro niya, di ba? NKKLK!

Nakakataquote:

“My sexuality is based on the person I love, not based on the person’s actual sex organ.” – Markki Stroem

vuukle comment

DAVID FOSTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with