^

PSN Showbiz

Liza, ipinakita ang sikreto nila ni Ice

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Liza, ipinakita ang sikreto nila ni Ice
Ice Seguerra at Liza Diño

Natupad na ang pangarap ni Liza Diño na makapagbida sa isang stage play na kasama si Ice Seguerra. Magbibida ang mag-asawa sa LGBTQ-themed project na Choosing. “Matagal na naming gusto ni Ice na gumawa ng play. Our last play was 2013 pa no’ng nag-propose si Ice. Then we’ve been trying to put together something. Finally, ayan na siya. We were able to revise and create something personal. It’s actually our story and collection of LGBT stories that we’ve been shared with us through the years,” kwento ni Liza.

Para sa aktres ay talagang kaabang-abang ang kanilang bagong proyekto. Sinisiguro ni Liza na maaantig ang damdamin nang lahat ng makakapanood nito. “I would say this is the most vulnerable. Makikita n’yo kung paano kami as an LGBT couple. We always stand for our truth. Makikita n’yo that we are very assertive. But in this play, you will see our fears, our journey together. Kung ano ‘yung nangyayari sa likod na hindi n’yo napapanood,” makahulugang pahayag ng aktres.

Mapapanood ang Choosing mula June 29 hanggang July 7 sa Power Mac Center Spotlight Blackbox Theater sa Circuit Makati.

Bukod sa pagiging bida ay si Liza rin ang mismong sumulat ng istorya ng naturang play. “It shows the innocence of growing that breast and the deprivation of innocence kay Stella (karakter ni Liza). At her age of 10 years old, pinaramdam sa kanya ano ba itong dede na ‘to sa ibang tao. It’s tracking all of those sexual awakenings, whether it’s fun, forced, traumatizing, exciting, thrilling, as you grow up. Lahat tayo may gano’n tayong experiences sa buhay natin. May sarili tayong kwento paano tayo unang nahalikan, etcetera. In life kasi marami kang magiging traumatizing experiences. May mga times na you were forced to do it na kahit na ayaw mo. Maraming pwedeng paghugutan. ‘Yung experience ni Stella at 10 years old na nakaka-relate ako,” pagbabahagi ng aktres.

Ara, may sinusuot sa gabi para ‘di lumobo ang baywang

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Ara Mina para sa kanyang All of Me concert. Gaganapin ang naturang concert sa July 11 sa Newport Performing Arts Theater.

Bahagi ito ng selebrasyon ng aktres para sa kanyang ika-30 anibersaryo sa show business. “Ang dami kong ginagawa tapos hindi rin naman ako ma-junk foods eh. Hindi rin ako ma-softdrinks. Ma-rice ako pero nakasukat sa bahay. Parang twice a day lang ako nagka-cup of rice, two cups of rice a day lang ako. Minsan nagse-seven minutes workout ako, ‘yung mga nasa YouTube, walang dumbbells. ‘Yung workout na squats, ‘yung mga 5 to 7 minutes workout lang. I can’t do 1-hour kasi nga busy. Sinisingit ko para ma-stretch ‘yung body,” paglalahad ni Ara sa ABS-CBN News.

Mayroon ding isang sikretong ginagawa ang aktres tuwing gabi upang mapanatiling maganda ang hubog ng katawan. Sa edad na apatnapu’t limang taong gulang ay napananatili ni Ara na maliit ang kanyang bewang. “I still use corset ‘pag natutulog ako, latex corset. So, I remove it pagkagising ko. Pagka-remove ko, talagang flat na flat ‘yung tummy ko. Naglalagay muna ako ng tank top tapos saka ko pinapatong. Kasi para hindi mag-burn ‘yung latex sa skin ko. Pero ‘yung mga latex ngayon na corset, may tela na nakadikit. ‘Yung bewang ko ngayon hindi naman siya 24. Minsan naglalaro sa 26, pero kapag hindi ako masyado kumakain, ‘pag nag-straight corset ako ng one week, nagtu-24 ½ to 25 ako,” nakangiting pahayag niya.

Pagdating naman sa pagpapaganda ay talagang ang sariling mga produkto umano lamang ang ginagamit ni Ara. Ayon sa aktres ay hindi niya naranasan na magparetoke kahit noon pa man. “Siyempre Ara’s Secret pa rin. Kung mapapansin n’yo wala naman ako masyadong ginagawa sa mukha ko or something. Tamad nga ako magpa-facial. So, moisturizer lang, cream sa gabi, panglinis lang. I don’t wash my face in the morning, ‘pag naliligo lang ako. And I don’t wash my face in the evening, may panglinis lang ako. Too much washing your face can dry your skin,” pagdedetalye ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ICE SEGUERRA

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with