^

PSN Showbiz

Gwapo at kontrobersyal na aktor, magkaka-baby na sa foreigner girlfriend!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Excited na ang guwapo at kontrobersyal na aktor sa nalalapit na pagdating ng kanyang first baby.

Hindi naging masuwerte ang unang nakarelasyon ni aktor dahil pagkalipas ng ilang taon ay naghiwalay rin sila ng karelasyon niyang maga­ling na aktres. Naging mainit na usap-usapan ang paghihiwalay nila, pero tahimik na sila ngayon.

Hindi pa napapabalitang nagkita sila kahit nasa iisang kuwadra sila. Wala naman silang ‘di magandang sinasabi sa isa’t isa. Pero ayon sa ilang reliable source namin, talagang dinamdam daw ni aktor ang paghihiwalay nila ni aktres.

Mukhang nakapag-move on na sila pareho.

Si aktres ay naka-focus na lang sa trabaho at iba pa niyang pinagkakaabalahan.

Si aktor naman ay back to work, pero lingid sa kaalaman nang lahat, nakakita na siya ng bagong mamahalin, at nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Isang foreigner ang bagong karelasyon ni guwapo at kontrobersyal na aktor.

Kaya tahimik lang, pero kapag tinatanong mo naman daw si aktor tungkol dito sa bago niyang karelasyon, inaamin naman niya. Ewan ko lang kung magiging open siya sa pagbubuntis ng bago niyang karelasyon.

Ayon pa sa ilang napagtanungan namin, malapit na raw manganak si girl at sobrang happy at excited si aktor dahil isang baby boy raw ang isisilang ng foreigner niyang girlfriend.

Sa tingin ko naman hindi ito itatago ni guwapong aktor at magi­ging proud siyang ibahagi ito sa lahat. Abangan na lang natin ang kanyang official announcement.

Ngayon pa lang ay binabati na namin ng congratulations si guwapong aktor. Pero alam kaya ito ng ex niyang magaling na aktres?

50th MMFF, tambak ang gustong pumasok

Noong Biyernes, June 14, pala ang deadline of submission ng scripts na isasali sa 50th Metro Manila Film Festival.

Sa 65 na film producers na nag-submit ng letter of intent, 39 scripts lang daw ang naisali.

Ang ilang producers ay tig-dalawang script daw ang ipinadala. Ang dinig nga namin, apat ang isinumiteng script ng Regal Entertainment. Sana may makapasok, dahil ilang MMFF na ring hindi napili ang entry ng Regal. Iba kapag may Regal na pelikula sa MMFF, para matuwa naman si Mother Lily Monteverde ‘di ba?

Excited kami sa bagong collaboration nina Vic Sotto at Piolo Pascual na isang action/drama raw na ididirek ni Mike Tuviera.

Nag-announce na sina Vice Ganda at Direk Jun Lana ng sisimulan nilang pelikula na balak isali sa MMFF.

Meron na ring inihahandang magandang film project para kay Hilda Koronel, at meron din sina Vilma Santos at Judy Ann Santos, meron din kaming naririnig na Maricel Soriano, at meron din daw Jodi Sta. Maria at Ivana Alawi.

Ang nasagap lang namin, karamihan daw sa gagawin nila ay horror.

Pero exciting daw itong darating na MMFF dahil talagang pinag­handaan at pinaganda nila ang mga sisimulan nilang pelikula.

 Sa July 1 ay ia-announce ang apat na script na mapipili, at sa Sept. 30 naman ang deadline ng submission of finished films na apat naman daw ang pipiliin.

Pero malay natin, baka maging sampu na naman.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with