^

PSN Showbiz

Vic Sotto at Piolo, magda-drama sa mmff movie; Maricel / Juday may pelikula rin!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Vic Sotto at Piolo, magda-drama sa mmff movie; Maricel / Juday may pelikula rin!
Vic Sotto at Piolo Pascual

2 aktor na milyones ang followers sa social media, P400K at P200k ang kinita sa takilya

Tuloy ang pagsasama nina Vic Sotto at Piolo Pascual sa pelikulang Balwarte na intented sa 2024 Metro Manila Film Festival.

Hindi raw ito isang comedy kundi isang heart warming drama. Co-prod ito ng APT, Cornerstone and M-ZET.  Si Mike Tuviera ang nakatakdang magdirek ng Balwarte.

Samantala, MMFF din diumano ang target nina Maricel Soriano and Judy Ann Santos. Yes, may niluluto nga diumanong proyekto para sa dalawang mahusay na aktres.

Wow. Talagang palakasan ang magiging labanan sa darating na MMFF.

Parang naghihintay na lang ang mga producer ng MMFF para makasigurong kikita ang mga pelikula nila.

Semplang sa takilya ang mga pelikulang pinalalabas sa ordinaryong panahon.

Ang huling dalawang pelikula ayon sa narinig kong kuwenton, ang isa ay P400,000 lang sa first day samantalang ginawa na ng bidang actor ang lahat-lahat ng kumbaga ay maaring pag-usapan habang pino-promote ang pelikula niya na may   leading ladies.

‘Yung isang Tagalog film ay kumita raw ng P200,000 na ang bida ay sikat at milyon-milyon din ang followers sa social media.

Parehong milyones actually ang followers ng dalawang aktor sa social media na starring sa pelikulang pinalabas sa mga sinehan last week plus ‘yung mga kasama pa nila.

Pero ang katwiran ng iba, paano mo naman papanoorin ang pelikula na hindi kagandahan ang kuwento.

Ayun nga, dapat talaga, gandahan din naman ng producer natin. Paano mo nga naman gagastusan kung parang hindi naman pinaghandaan ang kuwento kahit pa ang bida ay laging trending sa social media.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with