^

PSN Showbiz

Anak ni Pokwang, gusto na agad maging Miss Universe!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Pokwang, gusto na agad maging Miss Universe!
Pokwang
STAR/ File

Mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas nang ma-deport ang dating kasintahan ni Pokwang na si Lee O’Brian. Kahit walang karelasyon ngayon ay hindi naman daw nagbago ang pananaw ng aktres tungkol sa pag-ibig. “Ang puso ko naman ay tala­gang bukas sa pagmamahal. Sabi ko nga kung natatandaan mo, Tito Boy, nag-usap tayo sa isang programa mo. Tinanong mo ko, ‘What is love?’ Sabi ko ‘God is love.’ So dapat hindi tayo nagsasara ng love. Ibig sabihin parang nagsara ka rin kay God,” makahulugang pahayag ni Pokwang sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Tanggap na tanggap ng aktres na talagang siya na lamang ang magtataguyod sa kanilang anak ni Lee na si Malia. Hindi rin daw hinahanap o nagtatanong ang bata tungkol sa ama. “No, never ever, she’s okay. Okay ako ngayon, Tito Boy, wala akong stress. Tanggap na tanggap ko na ako na talaga ang magbabayad ng tuition. Dati kasi parang umaasa ka naman sa wala. Ngayon parang alam mo na talagang wala na,” natatawang pahayag niya.

Mahigit anim na taong gulang na si Malia.

Sa murang edad ay nahihilig daw ang bata sa pagbibihis sa sarili. Nangangarap si Pokwang na maging Miss Universe ang anak paglaki nito. “Siyempre, of course magbibigay ng karangalan sa bansa. May kusa talaga, diretso sa walk-in closet ko ‘yan. Magbibihis nang magbibihis do’n. Tapos ibi-video ko siya. Gusto niya ‘yon,” kwento ng aktres.

Ivana, nagpapakatotoo

Masayang-masaya si Ivana Alawi dahil nagagawa na ngayon ang kanyang mga pinangarap lamang noon. Sumikat nang husto ang dalaga dahil sa kanyang video blogs ilang taon na ang nakararaan. Bukod sa pagiging isang vlogger ay abala din si Ivana ngayon sa pagiging aktres sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. “It’s such a dream come true. Nagagawa ko ‘yung iba’t ibang acting like sa action scenes, sa drama. Ang ganda niya,” nakangiting bungad ni Ivana sa ABS-CBN News.

Para sa dalaga ay talagang magkaibang mundo ang blogging at acting. “Kasi sa content I’m myself. I do it at my own time. Itong taping naman, MWF, tapos pagpasok mo dapat nandoon ka na agad sa character mo. Wala kaming script usually. Kapag content or may pinost ako, I always make sure na authentic ‘yung pino-post ko. Ang importante sa akin ay walang script. Just be yourself. Tuluy-tuloy naman siya kung anong maisip ko,” paliwanag ng aktres at vlogger.

Labis ang paghanga ni Ivana sa lahat ng ginagawa ni Coco bilang aktor, prodyuser at direktor ng kanilang serye. Mayroong mga pagkakataon na tinuturuan umano ni Coco ang dalaga kung paano ang tamang gawin sa kanilang mga eksena. “Si Coco sobrang bait in every­thing, in action scenes, drama scenes. Kapag hindi ko nagagawa, kakausapin niya ako na, ‘Ganito ang magandang delivery.’ Very hands-on si Coco, the directors and the whole staff ng Batang Quiapo,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with