So wala na si Chito Miranda sa susunod na edition ng The Voice sa GMA? Ang sabi niya “Namimiss ko na si Stell, si Jules, si Billie at si Dingdong. Namimiss ko na rin si Ate Reg, si Sir Gary, si Robi, and sige na nga...pati si Moi. I enjoyed being a coach sa The Voice Generations, and I also enjoyed being a judge sa Idol Philippines Season 2...but I am, first and foremost, the vocalist of Parokya ni Edgar.”
Mukhang sobrang saya ng experience niya being a part of both shows in both stations. At aminin natin, nag-work ang pagiging upfront at on point ang comments niya, ‘di ba? At articulate rin naman kasi si Chito.
“Pero, kahit sobrang solid ng experience, the schedule takes too much time away from my band. Dami ko kelangan i-give up na gigs, and ayoko maging unfair sa mga kabanda ko. Kung ako lang ang iisipin ko, ok na ko mag-taping sa studio at tumambay sa dressing room buong araw, tapos ang saya pa ng TF...pero paano naman yung mga kabanda ko, at yung mga staff and roadies namin?
“I could continue doing TV shows and make money for myself and my family, or I could prioritize our gigs instead, and make enough money for everyone on our team, including their families….but it’s not just about the money. Playing gigs is such a big part of our lives. That is who we are, and that is what we love doing. But more importantly, sa Parokya kasi, mas kontrolado namin ang sked namin, unlike sa TV, kelangan mo talaga mag-work around their sked…and right now, nasa point ako ng buhay ko na mas trip ko na tumambay lang kasama ng pamilya ko, at tumugtog kasama ng mga kabanda ko.Walang iwanan sa Parokya.Rakenrol.”
Sino kaya ang papalit kay Chito sa bagong season ng The Voice sa GMA? Or true to the GMA cost cutting measure, wala nang kapalit si Chito at magiging tatlo na lang ang hurado?
Barbie, itatambal na sa Kapamilya
Kapamilya, mag-oober da bakod para sa isang pelikula with Barbie Forteza? Oo, out ba talaga si David Licauco na ka-partner ulit ni Barbie sa Pulang Araw?
Hindi man lang din kinonsider ang boyfriend nito na si Jak Roberto? Iba naman daw – na sana mas mahusay umarte at mas may appeal?
Sana, sana. Kasi ibang level na si Barbie dapat. Sana makatulong itong bagong partner niya para magkaroon siya ng clout sa box office din.
Julie at Stell, susubukan
Ayan na ang two night concert nina Julie Anne San Jose at Stell sa New Frontier Theater on July 27 & 28. Maambunan kaya ng swerte ng loyal paying fans ni Stell si Julie? Sana talaga.
Para makapagtulungan sila at maitaas na talaga ang estado ni Julie bilang major concert draw, at makapag-big venue na na solo ulit!
Go go Julie and Stell!!!
Playtime at Fruitcake, semplang
Aminin natin, nag-effort ding mag-promo ang Playtime at Fruitcake para sa opening nila sa sinehan kahapon.
Pero muli, nasaan ang audience? Kailangan pa bang i-memorize ‘yun?
Nakakataquote:
“Siyempre, dapat by now nandun na ‘yung pag-iisip namin. Kasi, six years na rin kami, e. Parang ‘yung mga plano na rin namin siyempre about sa future namin. Kaya din namin ito ginagawa at pinagbubutihan.” – Ruru Madrid sa usaping kasal kay Bianca Umali