Borderless Birthday

Napansin ko lang na maraming mga Pinoy ang bumibista ngayon sa Japan. (mababa din kasi ang yen ha!) Hindi naman ako magtataka, bilang magandang lugar naman talaga. (feeling ko nga second home namin ‘yan!)

Kung kami nga ng forever travel partner kong si Bryan, minsan nakakatatlong beses sa isang taon ang pag-ja-Japan namin. (kulang na lang ma-ging Haponesa kami!) May ilang taon na rin akong nagbi-birthday sa Japan. (Japanese siguro ako nung past life ko!)

Nitong nakaraang birthday ko (June 8 ha!) nag-Tokyo kami. (thank you, Nay Lolit Solis at Usec. Joee Guilas na nagbigay pa ng baon!)

Bilang ilang beses na kami sa Tokyo, napuntahan na namin ang karamihan sa tourist destinations. Binabalik-balikan lang namin kung minsan ‘yung iba (‘di naman nakakasawa ‘no!), tulad ng makasaysa-yang Shibuya Crossing na tawid lang kami nang tawid para may entry kami sa aming reels at makipag-photo op sa rebulto ni Hachiko. (kahit ‘di naman kami close dun sa dog!)

Hindi rin kami nagsasawa sa shopping dyan at sa Shinjuku area. (feeling may budget!)

Last year, Tokyo Disneyland ang napagtripan namin. Ngayon naman ang kalapit na Tokyo Disney Sea ang pinuntahan namin.

Meron silang bagong bukas na attraction, ang Fantasy Springs. (nandyan ate mo Elsa at ate mo Rapunzel!)

Syempre bilang ‘di bet ng mga kasama ko ang mga roller coaster. Ako ulit mag-isa ang sumasakay sa mga buwis buhay rides. (360 degrees na loop ha!)

First time naman naming masubukan ang Teamlab Borderless Tokyo.

Isa itong museum na may maraming kwarto.

Tampok dito ang mga tinatawag nilang artwoks with no boundaries. Gumagalaw ang digital works at naglalakbay sa bawat kwarto, habang nag-iiba ng anyo. (nakaka-emote minsan ‘yung mga pa-effect!)

Nag-all black outfit kami para maganda ang dating sa amin ng artworks habang may pictorial at video shoot (handa kaming makipagsabayan sa paandaran!)

Syempre hindi matatawaran ang food trip.

Sa Family Mart nga lang nila, happy na ‘ko. (‘yung forever kong love na custard cream puff nila!) Love ko rin ‘yung McDonalds Japan. (request ko ‘yan dapat may isang beses na mag-McDo! Basta may kakaibang sarap. Lalo na ‘yung fries!) Lahat ng kinakainan na-ming Japanese food place masarap. (lalo na ‘yung mga unli sushi ha!)

Meron din kaming pinuntahan isang maliit na ramen resto sa Shibuya.

‘Di ko masabi title ng kainan at ‘yung title mismong inoorder namin, kasi naka-Japanese at walang English translation. (basta dinadayo namin dahil super sarap!) Panalo rin ‘yung isang napuntahan naming Crabs Paradise na may unlimited na snow crabs. (buti na lang may tagahimay ako kaya nakakain nang maayos!)

Thank you sa mga nagpaabot ng pagbati habang rumarampa kami sa Japan.

Nasa puso ko ang inyong pagmamahal. (ready ako sa inyong mga pa-gcash, pa-maya o bank transfer para sa’kin ha!)

Love and light to all of us!

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

Show comments