Piolo, ‘di natakot sa kasamaan

Piolo Pascual.
STAR/ File

Nakatitindig-balahibong Piolo Pascual ang mapapanood sa kanyang pagbabalik-telebisyon sa Pamilya Sagrado, ang sinasabing pinakamalaking teleserye ng 2024 kung saan kasama niya sina Kyle Echarri at Grae Fernandez.

Pagkatapos bigyang-buhay ang iba’t ibang karakter, mapa-kilig, drama, o aksyon, sasabak naman si Piolo bilang tiwaling opisyal na si Rafael Sagrado.

Ang Pamilya Sagrado ang huling proyekto ng namayapang si Deo Endrinal ng Dreamescape.

“If I turned it down, it’d be my biggest regret in my life after what happened to Tito Deo. But ta­king on this character, ‘yun nga sinasabi ko rin ang responsibilidad ng isang artista to do something na sa tingin nila hindi pa napanood ng tao. And when this was offered, it wasn’t about being a bad guy or baka mag-paint ng ibang pictures sa tao. But it’s all about redemption. It’s not all bad naman throughout. So overarching yung journey na nagsimula siya rito. But of course, through the course of time, makikita mo ‘yung pagbabago niya bilang tao, not just being a politician or a father.

“So ‘yun talaga ‘yung nagustuhan ko sa kanya na wow, nung sinabi sa amin, baka maging presidente ka ng Pilipinas dito. Sabi ko, ‘Tito Deo, ako presidente ang bata-bata ko.’ Sabi niya, ‘why not?’ Sabi ko, ‘okay, if you believe, if you think, I can do it.’ So that’s when I realized, sabi ko, ‘let’s see, it’s quite challenging, so why not do it?,’” kumpisal pa niya sa rason kung bakit tinanggap ang role kahit na nga hindi ito ‘yung character na nakasanayan sa kanya ng fans.

Nakatakda ngang gumimbal sa mga manonood ang isang kwento kung saan sukdulan ang kasamaan at kapangyarihan para protektahan ang pinaka-iniingatang reputasyon.“Well, of course, he starts out bad. But through the course of time, he goes through certain situations where he will have to face his demons and whether to choose right or wrong. So, marami talagang kapupulutan ng lessons sa character ko. And we’re halfway through with the shoot, so marami pa siyang pupuntahan. And I really brought him to the darkest side. So para ‘yung redemption niya, mas malaki ‘yung paglagpak niya bilang tao. So I really want to make him as human as possible. And I’m sure maraming makaka-identify sa kanya,” sabi pa niya.

Mapapanood ang Pamilya Sagrado simula Hunyo 17 (Lunes) ng 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC.

Ang Pamilya Sagrado ay idinirehe nina Lawrence Fajardo, Andoy Ranay, at Rico Navarro at kabilang din sa serye sina Shaina Magdayao, Mylene Dizon, Rosanna Roces, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, John Arcilla, at Joel Torre.

Makakasama rin sina Daniela Stranner, Jere­miah Lisbo, Alyanna Angeles, Micaela Santos, River Joseph, Emilio Daez, Sean Tristan, Austin Cabatana, Luis Vera Perez, Dustine Mayores, Miggs Cuaderno, Valentino Jaafar, Isaiah dela Cruz, Beaver Magtalas, at Renshi de Guzman.

Show comments