Apat na dekada nang aktibo si Ian Veneracion sa show business. Sa edad na apatnapung taong gulang ay hindi pa raw nakatanggap ng indecent proposal ang aktor. “Directly, no. Mga pahapyaw siguro, mga ganyan pero directly wala. Kung sakali man, I would appreciate that honestly. I would say thank you for being straight forward. No, kumbaga I’m not selling that service,” natatawang pahayag sa amin ni Ian sa Fast Talk with Boy Abunda.
Malaki ang pasasalamat ng dating child star sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawang proyekto. Madalas na natutukso si Ian na hindi na mga kabataan ang kanyang mga tagahanga ngayon. “Because nagma-mature na ‘yung fans ko. I’m always being teased that my market are the titas, lolas. I’m really very proud that my army of titas, sila nga ‘yung discerning ones. I appreciate it and I’m really proud of it,” dagdag ng aktor.
Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang pride month. Nagsisilbing inspirasyon si Ian para sa lahat ng mga magulang na mayroong anak na miyembro ng LGBTQIA+ community. Matatandaang matapang na umamin sa aktor ang babaeng anak na si Dids noong labing-anim na taong gulang pa lamang ito. “That’s awesome. I hope it never ever becomes hindrance to anyone’s relationship. Sexual preference… come on! It’s just like saying, ‘I wanna wear black shirt.’ And then you’re being judged for that. It’s so useless,” makahulugang pagtatapos ng actor-singer.
Judy Ann, ibinigay ang lahat sa pagiging pres.
Kabi-kabilang proyekto ang pinagkakaabalahan ngayon ni Judy Ann Santos. Para sa aktres ay kailangan lamang niyang balansehin ang oras upang hindi pa mapabayaan ang sariling pamilya. “Every time rin naman na may mag-o-offer ng proyekto sa akin, nilalatag ko na agad ‘yung reyalidad ko bilang nanay, bilang asawa, na importante ang family time. Malaking factor rin ang material itself. ‘Yon talaga kasi ang nagdidikta sa akin kung would this be worth it ba na medyo mas madalas akong wala sa bahay,” paliwanag ni Judy Ann sa ABS-CBN News.
Gaganap ang Young Superstar bilang isang Presidente sa The Bagman. Ibinigay raw ni Juday ang lahat ng makakaya upang magampanan nang maayos ang role. “Gusto kong binibigay ‘yung buong ako sa isang proyekto,” giit niya.
Bukod sa Philippine adaption ng Call My Agent na Call My Manager ay posibleng isang bagong pelikula rin ang pagbidahan ni Judy Ann. “Horror with direk Chito Roño, hopefully matuloy. Ang tagal na naming hindi nakakagawa ng pelikula. Ang tagal ko na ring hindi nakakagawa ng horror film and my last movie for MMFF was Mindanao and that was five years ago,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)