So ang ganda ngang wedding gift kay Charlie Dizon ang pananalo niya bilang Best Actress sa Gawad Urian para sa Third World Romance. Medyo ilag siyang aminin sa press ang tungkol sa kanyang kasal kay Carlo Aquino na naganap kahapon.
Bakit wala si Kathryn Bernardo na sobrang rabid ang fans lalo online na inaasahan na siya ang mananalo?
Oh well, mukhang inaabisuhan ng Manunuri ang mga mananalo para siguradong dadalo at makapaghanda ng mas may laman na speech.
Better luck sa third nomination perhaps?
Ate Vi, pambansang ninang!
Si Ate Vi (Vilma Santos) na ba ang Pambansang Ninang?
Very vocal siyang Ninang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ngayon, ninang din siya nina Carlo Aquino at Charlie Dizon.
Paano ba maging Ninang kaya si Ate Vi?
Alagang Anak ba talaga? Sana all!
Maricel, parang si Direk Jun Lana
Totoo bang mas gusto ni Direk Jun Lana na maging Best Direktor kaysa ang Best Screenplay award?
Nanalo na kasi siya noong 2020 ng Best Screenplay sa Kalel 15 at marami na rin siyang Best Director nominations, pero hindi pa rin siya pinapalad na magwagi.
Bakit nga ba naunahan pa siya ng mga mas bata pang direktor sa kanya?
Level Maricel Soriano ba si Direk Jun sa Best Director category na always a nominee, never a winner?
Hilda, minadali ng manunuri!
Wala rin pala si Hilda Koronel para personal na tumanggap ng Natatanging Gawad Urian? Bakit nagmadali ang Manunuri para gawaran ito?
Tanong ng dating Manunuri na si Joel David at ng journalist na si Mau Tumbokon – naunahan pa talaga sina Gina Alajar at Jaclyn Jose na nasa mga landmark Filipino films din consistenly?
At ‘yung segment ni Hilda ang pinakamahaba – at parang naging amateur ang VTR compared sa mahabang paliwanag ni Manunuri Tito Valiente.
Tapos may testimonial din ni Bembol Roco na siya rin palang tatanggap ng award na may VTR Acceptance Speech na si Hilda na inulit pa rin ni Direk Adolf Alix. Puwede lang ma-tighten pa sa susunod.
Romnick, waging Best Actor!
“Kasi lahat ng pinasalamatan ko wala dito e. Hindi naman… mostly lang. Nasa Amerika ‘yung Dad ko, nasa Singapore si Barbara (partner niya). ‘Yung mga bata, nasa bahay. So, parang bigla ko na lang sila na-miss na gusto ko lang iabot sa kanila, para sa kanila ‘to e.
“Tapos, ‘yun din, kung gaano kalaking bahagi ng buhay ko ‘tong industriya na ‘to.
“Kanina natutuwa ako sa mga naririnig ko, ‘yung malasakit, ‘yung pagmamahal nila sa ginagawa nila. ‘Yung pagmamahal nila sa pagkuwento at paggawa ng pelikulang Pilipino, matagal na ‘yung sigaw ng dibdib mo e.
“Matagal mo nang isinabuhay ‘yun e. Pero ‘yung nadidinig mo sa mas bata, nadidinig mo na ‘yun ang gusto nila, nakakabigay buhay din. Nakakatuwa din, nakakapagpasiya ng dibdib.
“So, nung nandun ako, parang pakiramdam ko din, parang ganito magsalita ‘yung mga taong natutuwa ako sa mga sinabi na bahagi ‘yun. Kaya ko nasabi nung huli na sa lahat ng gumagawa ng pelikulang Pilipino, ano man ‘yung parte, never kayo na hindi naging bahagi ng buhay ko.
“Pare-pareho kayong kasama dito sa industriyang ito, sa larangan na ‘to sa karerang ito. So masaya na ganito ‘yung industriyang ito.” – Romnick Sarmenta, Urian 2024 Best Actor