Imelda Papin di apektado sa mga kritiko, may ‘isang linggong’ gagawin sa PCSO

Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Imelda Papin

Over the moon pa rin ang pakiramdam ni now PCSO (Philippine Charity Sweepstake Office) Director Imelda Papin sa kanyang appointment.

Tho may idea ang ilang taga-showbiz na talagang any moment ay lalabas ang appointment niya from Malacañang, pero iba pa rin daw ang pakiramdam nung matanggap niya ang confirmation mula sa Office of the President.

Ngayon ay planado na ang mga gagawin niya sa PSCO bilang isang director.

Aware ang Juke Box Queen sa kailangan niyang ngawin sa PCSO.

Kaya naman agad niyang naisip ang ‘isang linggong serbisyo’ na ga­ling siyempre sa iconic song niyang Isang Linggong Pag-ibig.

“Until Sunday, walang pahinga. Para maiba naman. Ang dami ko kasing experience, humihingi ng tulong sa akin. ‘Yung mga... ‘di ba, ang daming patients na pinapalabas na ng doctors ‘pag magaling na sila ‘pag Friday afternoon, so wala na silang chance para humingi pa ng tulong sa PCSO. May requirements na kailangang i-submit.

“At least, on Saturdays and Sundays, kahit online, basta maaprubahan kaagad para hindi na masyadong magastos pa,” aniya sa pinaplanong programa na nasabi na raw niya kay Presidente Bongbong.

Pero kung maraming masaya, si­yempre may iba rin siyempre na kontra na kesyo hindi naman daw siya qualified sa posisyon.

Naapektuhan pa ba siya? “Ay hindi. Okay lang ‘yun. Unang-una ‘yung binigay sa akin na tiwala ng Pangulo (PBBM) ay hindi naman siguro ibibigay sa akin ‘yan kung I don’t deserve the position at kung hindi ko kakayanin.”

Loyalista all the way si Imelda. Maaalalang sumunod pa siya noon sa pamilya Marcos sa Hawaii.

Pero aniya hindi niya iiwan ang career niya.

Gagawa pa rin siya ng pelikula at itutuloy ang mga concert niya para may kita pa rin niya.

Actor, nag-iisa na sa buhay / bahay

Nakakaawa pala ang sitwasyon ng isang actor ngayon.

Nag-iisa siya sa bahay at hindi man lang daw dinadalaw ng mga anak.

Kahit ang ex-wife raw nito ay hindi na nakakaalala.

Samantalang ang ina pala ng ex-wife nito ang rason kaya’t naibenta ng actor ang bahay nila noon.

Nagkaroon daw ng malaking utang ang ina ng ex-wife ng actor sa America. Eh sinisingil na raw ito (ina ng ex-wife ng actor na isa ring actress) kaya pinakiusap ni actress sa mister na ibenta ang bahay nila.

Pumayag daw ang actor. Pero hindi nagtagal ay naghiwalay silang mag-asawa.

At ang lumalabas na masama pa ngayon, ang actor.

Kaya ang simpatya ng tao, nasa actress na misis dahil akala nila ang actor ang may kasalanan ng kanilang hiwalayan dahil sa masamang bisyo.

Ngayon daw nagso-solo ang actor sa nirerentahang bahay. Hindi na naalala ng mga mahal sa buhay.

Actually, kahit kapatid daw ng actor, hindi na rin ito tinutulungan.

Samantalang noon sikat na sikat ang actor.

Hay, ganun talaga siguro ang showbiz.

Show comments