Star ka ni Ahwel Paz, aarangkada na ang 4th season

Ahwel Paz

Nagbabalik ang Star Ka showbiz talk show ni Ahwel Paz na kilala dati bilang Kumu Star Ka para sa ika-apat na season nito ngayong Linggo (Hunyo 9), 3 p.m. sa FYE YouTube Channel at Facebook page.

Patuloy itong magbibida ng mga artista, content creators, at iba pang personalidad na nagsisilbing ‘bituin’ sa kani-kanilang larangan.

Makakakwentuhan ni Papa Ahwel ang The Voice Kids season 2 first runner-up na si Reynan Dal-Anay at food vlogger na si Paps Chui ng The Chui Show sa unang episode nito. Bibisita rin si DupliKates ng The House of Collab.

Itatampok din sa programa sina AC Bonifacio, Anji Salvacion, Janella Salvador, Jason Dy, Poppert Bernadas, Randy Santiago, at iba pang celebrities sa mga susunod na episodes.

Kilalang radio personality si Papa Ahwel na isa sa mga host ng entertainment talk show na  Mismo at showbiz segment na Showbuzz sa DZMM. Tuwing Linggo, napapakinggan siya ngayon sa Travel with Ahwel sa Radyo 630.

Show comments