Mas maraming amazing Sundays ang hatid ng family-friendly offering ng long-running infotainment program na AHA! – ang AHA! Adventures na mag-uumpisang umere ngayong Linggo, June 9.
Hatid ng pagsasanib-pwersa ng live-action at 2D at 3D animation ang “fresh, dynamic approach” sa educational programming kaya naman tiyak na maraming matututunang aral ang viewers sa mga fantasy narratives na tampok sa AHA! Adventures. Makakasama pa ng host na si Drew Arellano ang ilang Kapuso stars sa pagtuklas sa mundo ng animated storytelling.
Ibinahagi ni Drew ang ebolusyon ng AHA!, na mula sa GMA Public Affairs, sa mga nakalipas na taon.
“AHA! has been around for more than 14 years, and it’s time to reinvent and cater to a new generation of kids and their families. As a father of four, I’m excited to share this new adventure with my own children and our loyal viewers,” aniya.
Unang itatampok sa programa ang kuwento ng isang higanteng kinatatakutan ng mga tao dahil sa kanyang boses at alagang aso. Ang kanyang tanging hiling ay maging kasing laki ng isang normal na tao para mayakap niya ang kanyang alaga sa mga huling araw nito sa mundo. Gaganap sa nakaaantig na kuwentong ito si Sparkle artist Royce Cabrera.
Ito ay nai-produce sa ilalim ng expert guidance ni Palanca at Severino Reyes Medal Awardee at children’s book author Augie Rivera. Gamit sa serye ang AI technology na pinagtibay ng team ng award-winning graphic artists na kinikilala ang mga gawa maging sa labas ng bansa, gaya ng sa prestihiyosong Prix Jeunesse International Munich.