^

PSN Showbiz

Mark, ‘di sinagot ang status nila ni Kris!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark, �di sinagot ang status nila ni Kris!
Vice Governor Mark Leviste at Kris Aquino

Nagkaroon kami ng pagkakataong kapanayamin si Batangas Vice Governor Mark Leviste, at maingat na maingat ito ngayon sa mga pahayag niya kaugnay kay Kris Aquino, lalo na sa kanyang kalagayan.

Ang huling update na binahagi niya ay katatapos lang daw ng vaccination kay Kris, pero hindi na niya sinabi kung para saan ang bakunang ‘yun.

Kinumusta na rin kasi namin ang kalagayan ngayon ng tinagurian noon na Queen of Talk.

Ani Vice Gov. Mark Leviste, “To be honest, I’m not at liberty to discuss her current condition. Madalas naman po ay ina-update tayo ni Kris to her social media at…although kanina, kami ay magka-text at siya po ay nagpapahinga dahil siya po ay nagpabakuna kamakailan at ramdam pa po niya ang epekto ng gamot o ng bakuna. Kung kaya’t siya po ay nagpapahinga sa mga oras na ito.”

Natanong na rin namin kay Vice Gov. Mark ang tungkol sa kanyang political plans, na mukhang sa kanya ipinasa ng kasalukuyang Governor Dodo Mandanas ang responsibilidad na ito.

Kaya tinanong na rin namin kung napapag-usapan ba nila ito ni Kris, at kung gaano ito ka-supportive sa kanyang buhay pulitika.

“Opo naman,” pakli ni Vice Gov. Mark.

“Alam naman natin si Kris ay galing din sa political family. Ang kanyang mga magulang ay hindi pangkaraniwang pulitiko. Sila po ay nakapag-ukit ng kasaysayan sa ating bansa, sa ating buhay, at sa ating lipunan.

“Ganundin po ang kanyang kapatid, ang dating yumaong pangulong Noynoy Aquino.

“So, hindi naman po bago kay Kris ang pulitika at ako ay nagpapasalamat nang marami po akong natutunan sa kanya.

“She is very inspiring, she inspires me and she continues to motivate me in my work as a public servant and manatiling tapat sa aking sinumpaang tungkulin, ganundin sa watawat,” dagdag niyang pahayag.

Diretsahan na rin siyang tinanong kung sila na ba talaga ni Kris, o kung nasaan si Kris sa puso niya.

“Ang laman ng aking puso ay full of love, love, love,” napangiting sagot ng bise gobernador ng Batangas.

Kim, inamin sa kaibigan na talagang nagpakatanga noon!

Hindi naman nabigo ang KimPau fans na sumalubong kina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Dubai noong Biyernes ng umaga.

Hinarap sila ng dalawang bida ng Linlang na nagpaunlak na magpa-picture sa kanila.

Sina Kim at Paulo ay tampok sa Kapamilya Kalayaan Karavan doon, at pagkatapos nu’n ay tutuloy sila sa United Kingdom.

Kinikilig ang fans sa kakaibang chemistry nilang dalawa, na nakikita naman sa isa pang drama series nilang What’s Wrong With Secretary Kim.

Kuwento nga sa amin ng co-star nilang si Cai Cortez, naging KimPau fan na raw talaga siya dahil iba raw talaga ang tambalan nilang dalawa.

“Sobrang happy ako for them, kasi undeniable talaga ‘yung chemistry nila. “Pagka magkakasama kami sa set, siyempre hindi naman sila over na sweet or what. So, hindi ko masasabi kung may nagaganap ba. Pero ang masasabi ko pagka nagkakatinginan sila, meron silang care or spark na hindi mo talaga made-deny.

“Kahit kami ni Kat Galang, kasi kami mga kapatid ni Kim dun, talagang naggaganunan kami, ‘ayan na naman sila!’ Nakakakilig,” pahayag ni Cai.

Sa tingin naman daw niya ay hindi pa silang dalawa, pero bagay raw talaga sila.

“Pero si Kim ano naman now… sa pag-uusap namin, very smart na siya. Aware siya na nagpakatanga siya dati, na masyado siyang nagbibigay. So, I think now, mas ano siya, mas poised, pagdating sa pag-open ng heart niya.

“Hindi ko alam kung sila e. Parang hindi naman. Hindi ko sila nakikitang nagho-holding hands ganun ‘pag lumalabas kami,” sabi pa ni Cai Cortez.

Lalo namang ang career ni Kim pati sa mga endorsement niya.

Recently lang ay nag-renew siya ng kontrata bilang brand ambassador ng Sisters Napkins and Pantyliners.

Wala nang ibang maisip ang ang Vice President ng Megasoft Hygienic Inc. na puwedeng ipalit kay Kim dahil itong Kapamilya actress daw talaga ang fit na fit na mag-endorse nito.

Nagkapirmahan sila ng renewal of contract noong June 5 sa Romulo’s Café.

vuukle comment

ACTRESS

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with